Part 1

4.8K 80 1
                                    

"BAKIT ANG tagal naman atang maayos ng sasakyan ko, Jessie. Isang linggo na akong nagko-commute!"

Halos umikot ang mga mata niya sa dahilan ng kanyang sekretarya kesyong hindi pa naayos ang kanyang sasakyang tumirik noong nakaraang linggo at ngayon nga'y hindi pa rin naihahatid sa kanilang bahay. Isang linggo na rin siyang nagtitiis na mag-commute at makipagsiksikan sa UV Express.

"Okay, fine. Follow-up mo sa talyer 'yon. Baka chinap-chop na nila kaya hindi maihatid sa bahay." Nang sumagot ang kanyang sekretarya ay pinatay na niya ang tawag at nagpara ng tricycle na maghahatid sa kanya sa labas ng subdivision.

Katulad ng mga nakaraang araw, ito na naman siya sa waiting area sa labas ng subdivision nila at naghihintay ng UV Express na maghahatid sa kanya sa Quezon Avenue. Panaka-naka siyang napapatingin sa kanyang relo. Two hours before her scheduled duty in St. Peter's Medical Center. Saglit ang lumipas ay may tumigil na Hi-Ace UV Express sa kanyang harapan. Dahil puno na ang sakay sa harapan ay sa likod siya napapuwesto. Apat lang silang pasaherong nakasakay sa likuran. Agad naman siyang nagbayad ng pamasahe at naglagay ng earphone sa tainga. She preferred listening to music while riding.

Pagdating sa Tandang Sora Station ay may sumakay na lalaki na umupo sa hilera niya. Tatlo na silang nakaupo sa hilerang iyon. Hindi na niya ito pinansin at napatingin na lamang sa kanyang harapan. Hindi naman niya alam kung bakit natulala siya sa lalaking kaharap niya.

Mukhang naglalaro ang tadhana dahil parang nasa music video siya habang nagpe-play sa kanyang earphone ang kanta ni Jasmine Rae na When I Found You. She doesn't expect to find a very gorgeous man in his dark hazel brown eyes, a very proud pointed nose, a perfect chiseled jawline and an Adonis face that could make any woman stare with.

Suddenly, she imagined herself holding a bonquet of flowers and wearing a white dress. Then, this handsome man was waiting on her. Kaso 'nung 'you may kiss your bride' na, parang sinampal siya ng katotohanan para magising sa kanyang panaginip nang umalog ang sasakyan dahil sa hump na nadaanan.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Pasimple niya lamang itong tinitigan at kunwari ay hindi siya apekto sa awra nito. Take note, their toes are just an inch away. Paano pa kaya kung magdikit ang mga balat nila? Baka mapapitlag pa siya sa kuryenteng mararamdaman niya.

Pinagmasdan niya lamang ang seryosong mukha nito habang abalang nakatingin sa hawak nitong cellphone at nagtitipa roon. Mabuti na lamang ay abala ito at libre niyang napagnanasaan ang batak na batak na katawan nito na halata sa pagkakalapat ng suot nitong blue printed polo shirt.

"Holdap 'to! Walang sisigaw kundi babarilin ko kayo!"

At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya sa narinig na sigaw ng huling lalaking sumakag ng UV. Nagpa-panic na ang mga kasama nila sa loob. Hinila naman ng holdaper ng katabi niya at ginawang bihag habang nakatutok sa kanila ang hawak nitong baril.

Sinubukan ng driver na kausapin ng maayos ang holdaper pero hindi ito nagpapigil.

"Ibigay niyo sakin ang lahat ng pera at gamit niyo kundi babarilin ko 'to!" sigaw ng holdaper habang sakal-sakal ang bihag nito.

Isa-isa nang nilalagay ng mga kasama niya ang mga gamit at pera sa dalang bag ng holdaper. Bug her senses do not want her to give in. Isa ata siyang Tae Kwon Do expert. At sa isang sipa lang sa kamay nitong may hawak na baril ay agad na nabitawan ng holdaper ang armas nito at nahulog sa sahig ng sasakyan. Laking-gulat naman niya nang pinagsusuntok ng guwapong Adonis na nakaupo sa harapan niya kanina ang holdaper. Kinuha nito ng pagkakataong gulat pa ang holdaper sa ginawa niyang pagsipa sa kamah nito at agad na binanatan ito. Hiyaw pa ng mga kasama niya ang nagpagising sa kanya at agad na dinampot ang baril na nahulog. Mabuti na lamang ay hindi nagpataranta ang driver nila at agad na dinala ang sasakyan sa pinakamalapit na police station.

BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon