Epilogue

3.2K 53 4
                                    

"BABALIK na ako sa sasakyan. Hihintayin ko na lang kayo doon."

Hinawakan ni Erik ang kamay niya nang makaalis ang kanyang ama. Pinunasan naman niya ng isang butil ng luha na bumagsak sa kanyang pisngi galing sa kanyang mga mata.

"Thank you for letting Laurisse live with me forever," narinig niyang sambit ni Erik.

Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Erik sa kamay niya. Alam niyang nararamdaman nito ang panginginig niya. She can't help to feel sad seeing the name of her beloved twin sister on the grave.

In loving memory of Lauraine Galvez.

Laking pasalamat naman niya na sinamahan siya ng dalawang lalaki na importante sa buhay niya upang bisitahin ang pinakamamahal niyang kapatid.

"Ipinapangako kong ako na ang mag-iingat at magbabantay sa kanya ngayon. Pasensya ka na kung ginalit pa kita. Naiintindihan ko na kung bakit. Pasensya na rin kung niyaya ko siya maglaro maghapon noon dahilan para maisugod siya sa ospital. Pero hanga ako sa iyo. You'd become a great sister to Laurisse. Naramdaman ko ang pagmamahal mo sa kanya. At hinahangaan ko iyon. Maraming salamat, Lauraine."

Erik looked at her after telling those words for Lauraine. And she smiled at him back. Masaya siya na nabawi na niya ang kanyang alaala. At masaya siya para sa kanyang kapatid. Pinangako niyang mabubuhay siya ng may positibong pananaw sa buhay. Hindi niya sasayangin ang isakripisyon ni Lauraine para sa kanya.

"Thank you for letting me live, Lauraine. Iingatan ko ang puso mo tulad ng pag-iingat mo sa akin noon. Mahal na mahal kita, kapatid. Mahal na mahal kita, kambal," aniya ng bukal sa kanyang damdamin.

"Gusto ko rin sanang magpaalam kung puwede ko bang makasama si Laurisse panghabuhay. Sana pumayag ka. Gusto ko sanang hingin ang basbas mo para pakasalan siya. Sana hindi mo naman ako dalawin sa panaginip ko at sigaw-sigawan na naman ako."

Gulat na napalingon siya kay Erik dahil sa sinabi nito habang nakatingin sa lapida ng kanyang kapatid.

"Erik!" saway niya rito.

He looked at her with sweet smile. "Gusto kong magpaalam sa kapatid mo na gusto kitang makasama habangbuhay. Sana pumayag siya."

"Baliw ka na!" Hinampas niya ang braso nito. "Baka dalawin ka nga niya sa pagtulog mo."

"Will you marry me?"

Halos mapanganga siya nang bigla na lamang ilabas ni Erik ang isang maliit na kahon mula sa bulsa nito at nang buksan nito ang maliit na kahon ay tumambad sa kanya ang isang singsing na may puting batong diamante.

"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Gusto kong makasama na kita habangbuhay. Ayoko nang mawalay pang muli sa iyo. Hinding-hindi ko na hahayang masaktan kang wala ako sa tabi mo. Sasamahan kita sa hirao at ginhawa. Ako na ang magiging bantay at tagapagligtas mo. Sana hindi magalit si Lauraine na papaltan ko na siya bilang protector mo. At sana pumayag ka rin na makasama ako," ani Erik nang may ngiti sa labi.

"Hintayin ko sagot ni Lauraine sa panaginip mo," pilyo niyang sagot.

Napakamot naman sa ulo si Erik. "'Di ba, puwedeng ngayon? Umoo ka na para kapag dinalaw ako sa panaginip ni Lauraine at tumanggi siya, wala na siyang magagawa kasi umoo ka na."

"Baliw!" natatawang saad niya.

"So?" tanong muli ni Erik.

Umakto siyang nag-iisip.

"I love you," malambing na saad ni Erik wari'y pinaaamo siya.

"Okay. Yes!"

Kitang-kita niya kung paano nanlaki ang mga mata ni Erik sa sagot. Halos mangarag ito sa pagsuot ng singsing sa daliri niya at mabilis na niyakap siya ng mahigpit.

"Nakikita tayo ni Daddy," singit niya.

Pero hindi bumitas si Erik sa yakap. "Alam niyang magpo-propose ako sa'yo."

"Bakit ba hindi na ako nagulat, e, magkakuntsaba na kayo noon pa," aniya habang umiirap.

"I love you," bulong ni Erik.

She smiled. "I love you," balik niya dito.

"That's the sweetest words I ever heard," komento ni Erik.

She chuckled. "Talo pa rin kita sa Chess."

BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon