"SAAN KA galing? Na-late ka ata ng uwi?"
Nagmano muna siya sa kanyang ama. Mariin naman niyang naipagdikit ang mga labi dahil alam niyang nakita nito ang pagbaba ni Erik sa kanyang kotse kanina bago niya pinasok ang sasakyan sa kanilang garahe. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpasakay siya ng isang lalaki sa kanyang sasakyan at nasisigurado niyang mali na naman iyon sa paningin ng kanyang ama.
"Kumain lang po kami sa labas," sagot niya nang hindi tumitingin sa mga mata ng kanyang ama. Naipang-saklob pa niya ang mga palad at nakababa ang tingin.
"Kailan pa kayo nagkikita ulit ni Erik?"
Doon umangat ang kanyang mukha at sinalubong ang mga mata ng kanyang ama. "Kilala niyo po siya?" takang-tanong niya.
"Naalala mo ba siya?" Dumiretso ang kanyang ama sa sofa at kinuha ang isang dyaryo at nagbasa doon.
"Hindi po," sagot niya.
Binaba ng ama niya ang hawak na dyaryo sapat lang para magtama ang mga mata nila. "Ibig mong sabihin, nagkikita kayo at lumalabas pero hindi mo siya kilala?"
"Nakilala ko po siya noong isang linggo."
"Pumasok ka na sa kuwarto mo."
Napabuntong-hininga na lamang siya. Nahulaan na niyang hindi magtatagal ang usapan nilang iyon ng kanyang ama. Lagi itong umiiwas sa kanya. Tumango-tango siya bilang paggalang saka naglakad palapit sa hagdan paakyat ng kanyang kuwarto. Habang naglalakad sa pasilyo ay napahinto siya sa tapat ng pinto ng kanyang kuwarto. Sa loob ng sampung taon, iisa lang ang gusto niyang marinig mula sa kanyang ama. Kaya hanggat maaari ay tinitiis niyang makausap ang ama kahit sumobra ang panlalamig sa kanya nito. Kundi sermon ay pang-uusisa sa mga ginagawa niya ang nagiging usapan nilang mag-ama. Pero lumipas ang sampung taon na naghihintay pa rin siya sa isang salitang gusto niyang marinig mula sa kanyang ama.
Kailan niya kaya ako tatawagin sa pangalan ko? Upon asking hersef, she wiped the tears that escaped from her eyes. Her father never called her on her name. And that makes her more asking herself what's wrong with her.
KATATAPOS lang ng scheduled check-ups ni Laurisse sa mga pasyente niya kaya nagpapahinga na lamang siya sa kanyang swivel chair sa loob ng kanyang clinic. Sinandal niya ang kanyang ulo sa back rest habang hinihilot ang kanyang noo. Hindi niya napansing marami pa siyang pinabalik na pasyente sa araw na iyon kaya nakadama siya ng pagod pagkatapos. Ang kanyang sekretarya naman na si Jessie ay abala sa pagtulong sa emergency room para sa mga out-patients.
Saglit niyang pinikit ang mga mata para maidlip. Wala na naman siyang hinihintay na pasyente at maya-maya'y babalik na si Jessie para yayain siyang mag-lunch. Hindi naman niya namalayang nahulog na pala siya sa malalim na pagtulog.
"Bakit kinukuha mo 'yung akin? Kumuha ka ng sa iyo."
"Bakit kumakain ka na rin nito?"
"Bakit hindi ka magpagawa doon sa kaibigan mo? Akala ko ba ipag-be-bake ka niya?"
"May pasok pa. Sa weekend daw. Basta nag-promise siya na gagawan niya ako kaya sisingilin ko siya sa Sabado."
"Tinawag niya akong 'Laurisse' noong isang araw. Hindi ko nga nilingon. Epal 'yung kaibigan mo."
"Bakit hindi mo tinama?"
"Ayoko nga. Hayaan mo siya magtaka."
"Baka awayin niya ako kapag nagkita kami. Panigurado nagtampo iyon sa akin kasi hindi mo pinansin. Baka isipin niya dinedma ko siya."
"Bakit kasi hindi mo sinabi ang tungkol sa akin?"
"Ayaw mo naman kasing sumama sa akin sa playground. Lagi ka na lang nagkukulong sa kuwarto mo tuwing weekend kasama ng mga libro mo."
BINABASA MO ANG
BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #8: Laurisse, The Dauntless Daughter Laurisse is a frustrated doctor. She did everything just to please her father but it felt like she's just doing that to give him a favor that they lost a long time ago. Kahit anong gaw...