Part 9

1.9K 43 0
                                    

"I SAW you earlier playing with the kids."

Isang tipid na ngiti ang binigay ni Laurisse kay Erik. Nasa sasakyan na sila at kasulukuyang tinatahak ang daan pabalik ng Metro Manila. Hindi naman niya maitatanggi sa sarili na nag-enjoy siyang kalaro ang mga bata ng Genetika Amore kanina. Pakiramdam niya ay may isang parte ng puso niya ang napunan ng mga bata habang nakikita niya ang ngiti sa labi ng mga ito at naririnig niya ang bawat halakhak ng mga ito na nagsasaad na masaya ang mga bata na makasama siya.

Diretso ang kanyang tingin sa harapan ng sasakyan at kumikinang ang kanyang mga mata sa sayang naidulot ng mga bata sa kanya. "Masaya pala talagang maging bata. Parang wala silang problema. Walang iniisip sa buhay."

Kita niya sa gilid ng kanyang mga mata na napalingon sa kanya si Erik.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng binata. Alam niyang namahigan nito na may ibang kahulugan ang kanyang sinabi.

Naitikom niyang mariin ang mga labi at naipangsaklob ang mga palad. Isang ngiti ang binigay niya kay Erik pero alam niyang hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

"Hindi ko alam kung naging masaya ba ang naging kabataan ko," pag-amin niya. Alam niya sa sariling hindi pa niya ganoon lubos na kakilala ang binata pero kung totoo nga ang sinabi nito sa kanyang matagal na silang magkakilala, baka puwedeng si Erik ang maging daan upang maalala niya ang kanyang nakaraan.

Lumihis ang pag-aalala sa mukha ng binata sa kanyang pag-amin. Hinintay niyang magsalita ito pero walang namutawi sa mga labi nito. Binalik niya ang tingin sa labas ng sasakyan at pinagmasdan ang mga makukukay na ilaw sa daan na nagpapaalala ng paparating na okasyon. May isang hiling na lumihis sa kanyang isip.

Makilala ko na sana ang sarili ko sa Pasko.

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?"

Nahamigan niya ang lungkot sa boses ni Erik. Nang lumingon siya rito ay abala na ito pagda-drive at diretso ang tingin sa daan. Kita niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela.

"I woke up one morning without any memories inside my head," aniya sa malungkot na boses. Mariin niyang naipagdikit ang mga labi upang pigilan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. "I don't even know my name."

Wala siyang narinig mula kay Erik. Naipangkutkot niya ang hinlalaki sa ngipin saka pinahiran ang luhang namuo sa kanyang mga mata. May kung anong pakiramdam siya na puwede siyang maglabas ng lungkot sa kasama. Hindi niya maintindihan kung bakit kahit ilang araw palang niyang nakikilala si Erik ay magaan na agad ang loob niya dito.

"And I'm not even sure if my real name is Laurisse."

Napahiyaw siya sa biglang pagpreno ni Erik at laking pasalamat niyang nakakabit ang kanyang seatbelt kundi ay bumangga na ang mukha niya sa harapan ng sasakyan.

"I-I-m s-sorry."

Nanlaki ang mga mata niya nang lingunin niya ang binata hindi dahil sa biglaan nitong pagpreno kundi sa basag na boses nito.

"O-okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. "Bakit bigla kang nagpreno?"

Her heart suddenly thawed when she saw sadness on Erik's eyes. Kumunot ang noo niya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nag-alala para sa binata sa nakikita niyang lungkot sa mga mata nito.

"Are you okay?" ulit niya nang hindi sumagot si Erik.

And she skipped a breathe when Erik wiped his eyes. Hindi siya makapaniwalang umiiyak ang binata sa harapan niya.

"Nasaktan ka ba?" aniya na nababalisa na sa inaakto ng binata. "May masakit ba sayo? Bakit ka nagkakaganyan? Natatakot ako! Huwag ka namang ganyan! Pinag-aalala mo ko!"

"I'm okay," ani Erik. Umayos na ito ng upo at pinaandar na ang sasakyan.

Naging tahimik ang naging buong biyahe nila hanggang sa ihinto na ng binata ang sasakyan sa tapat ng kanyang bahay. Sinulyapan niya si Erik bago bumaba. Kanina pa siya nag-aalala dahil sa nangyari kanina sa biyahe nila.

"Okay ka lang ba talaga?" aniya. "Baka may masakit na sayo?"

Erik stared on her eyes and that gave her chills. "Kapag naalala mo na ba ang kabataan mo, ikaw pa rin ba ang babaeng kilala ko ngayon?"

Umiling-iling siya. "Hindi kita maintindihan."

"Ikaw pa rin naman si Laurisse, 'di ba? Ikaw pa rin si Laurisse na kilala ko?"

Erik's voice was begging her to say yes. Pero hindi niya alam kung dapat bang iyon ang isagot niya. Maging siya'y hindi niya alam kung si Laurisse na pagkakilala niya sa sarili ay ang parehong Laurisse noong kabataan niya.

Lumabas siya ng sasakyan na hindi sinasagot ang tanong ni Erik. Hindi na rin niya nagawang magpaalam at nagtuloy-tuloy sa loob ng bahay.

Bigla niyang kinastigo ang sarili kung bakit ba nasabi niya sa binata ang katotohanang iyon sa kanyang sarili.

Bakit ba nasabi niya sa binatang wala siyang maaalala sa kanyang kabataan? Bakit ba magaan ang pakiramdam niya tuwing kasama niya si Erik?

BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon