THE face that reflected on the mirror was straight looking on her eyes, and she didn't even sure if that face was really her own. Malungkot ang mga matang iyon. At ang lungkot na iyon ay hindi niya alam kung para saan... para kanino. Sinong nakakaramdam? Sinong dapat makaramdam?
Until a lone tear escaped from the left eye. A lone tear that keeps on telling her that that body is owed by unknown identity. Sino nga ba? Kanino nga ba? Saan nga ba niya mahahanap ang kasagutan?
Hanggang isang hagulgol ang umalingawngaw sa apat na sulok ng silid na iyon. Nagmamakaawa. Naghihinagpis. Nagdurusa. Ayon na naman, nasa kanyang balintataw. Ang trahedyang nagpabago ng kanyang buhay. Ang pangyayaring hinding hindi niya malilimutan. Ang araw kung saan nagsimula ang lahat.
Pabagsak na napasalampak siya sa sahig at sumandal sa gilid ng kama habang sapo ang mukha na hindi alam kung hanggan saan at hanggang kailan dadaloy ang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Bakit?
"S-Sabihin mo sa aking ako si Laurisse," iyak niya sa sarili. "Sabihin mo sa aking ako si Laurisse!"
Lalong lumakas ang pagdaloy ng mga luha nang lumitaw sa kanyang isip ang alaalang iyon. Sino nga ba ang nasa kandungan niya ng mga oras na iyon? Sino nga ba sa kanilang dalawa?
"Lauraine," tawag niya ni hindi niya alam kung kanino... sa sarili o sa mukhang nasa kanyang isip. "Let me live the name of Laurisse! 'Di ba, ako si Laurisse!" Gustong niyang paniwalain ang sarili sa isipang iyon.
That horrible day made her life a living hell. Mourns she used to hear every night makes her dreams into nightmares. At ang sariling mukha na walang malay sa kanyang mga bisig ang nagpapahirap ng kanyang damdamin. Hanggang kailan siya magtatanong? Hanggang kailan siya maghahanap ng kasagutan? Hanggang kailan magiging mailap ang kanyang mga alaala? Hanggang kailan siya makukulong sa pekeng buhay na mayroon siya?
At hanggang kailan siya guguluhin ng kanyang kakambal sa katauhan nilang nagsama sa iisang katawan na lang?
"ANG tagal kong hinintay na kumatok ka sa pinto ng clinic ko."
Erik found himself on the doorsteps of Dr. Panganiban's clinic. At ni hindi niya alam sa sarili kung anong nagtulak sa kanya upang puntahan ang kapwa-doktor ng St. Peter's Medical Center. Basta ang alam niya lang ay hindi siya pinatahimik ng huling pag-uusap nila ni Dr. Galvez na ama ni Laurisse.
He needs to know everything. He wants to know everything what's happening to Laurisse.
Tumikhim siya upang pakawalan ang kabang nararamdam hindi dahil sa kaharap niya ngayon ang doktor ni Laurisse kundi kung anumang puwede niyang malaman once na magsalita ang doktor tungkol sa huli.
Dr. Panganiban stood at walked towards him. He led his hand on him na malugod naman niyang tinanggap.
"Erik," pakilala niya sa sarili.
Tumango-tango ang doktor habang naglakad pabalik sa swivel chair nito. "I know," he said. "Nabanggit ka na sa akin ni Dr. Galvez."
Sinundan niya lang ito ng tingin. Hindi rin siya naupo sa visitor's chair. "Hindi ko alam kung hanggang saan ang nabanggit ni Dr. Galvez sa iyo tungkol sa akin."
"Everything," Dr. Panganiban said without hesitation.
Tumango-tango siya. Wala rin naman siyang reklamo roon. Mas maganda na iyong malinaw ang relasyon nila ni Laurisse sa mga mata ng doktor bago pa niya makalimutang may asawang tao na pala ang kaharap.
"Alam kong pumunta ka dito para alamin ang nagiging resulta ng pag-aaral ko sa sitwasyon ni Laurisse," walang lingong-sabi ni Dr. Panganiban. Binuksan nito ang isang drawer at kinuha mula doon ang isang clear folder. "Masasabi kong wala pang kalinawan ang lahat at wala pa akong sagot kung sino ba talaga ang nakakasama natin sa ospital na ito." The doctor raised his head and looked at him in the eyes.
BINABASA MO ANG
BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #8: Laurisse, The Dauntless Daughter Laurisse is a frustrated doctor. She did everything just to please her father but it felt like she's just doing that to give him a favor that they lost a long time ago. Kahit anong gaw...