Part 12

1.8K 33 6
                                    

ERIK went out of Dr. Panganiban's clinic with a blank slate. Lutang ang kanyang isip. Hindi na niya nagawang magpaalam sa doktor at kusa na siyang lumabas ng clinic nito. Pakiramdam niya ay nadurog ang puso niya sa mga narinig na sagot ni Laurisse.

Pigil niya ang mga halam na luha na mamuo sa mula kanyang mga mata at kusang bumagsak ang kalungkutan sa kanyang sarili. Paano niya tatanggapin ang posibilidad na gustong palabasin ng doktor?

"Paano kung hindi nga ako si Laurisse?"

Halos tumalon ng puso niya nang marinig niya ang boses na iyon mula sa kanyang gilid. At halos tumigil ang mundo niya nang malingunan niya ang babaeng gustong-gusto niyang makasama simula pagkabata pero ngayon ay hindi na siya sigurado kung siya nga ba ang batang iyon.

Gusto niyang suntukin ng sarili sa nakikita niyang lungkot sa mga mata ni Laurisse. Alam niyang litong-lito na rin ito sa lahat ng nangyayari. And she doesn't even deserve it.

"Laurisse..." bulong ng kanyang puso habang nakatingin sa mga mata nito.

"Erik..." she called his name. Laurisse is trying to hold on her tears. "Paano kung hindi ako si Laurisse?"

Iyon na ata ang pinakamasakit na tanong na binato sa kanya. Paano nga ba?

Umiling-iling siya. Tikom ang kanyang bibig. Bakas ang hirap sa kanyang mukha. Paano niya tatanggapin na ang babaeng minahal ng kanyang batang puso noon pa ay namatay na pala tatlong taon na ang nakakalipas?

Parang paulit-ulit na tinusok ang kanyang puso hanggang sa mamatay sa isipang iyon.

He couldn't take the chance to see this woman left a tear from her eyes. Sabay ng pagdaloy ng luha nito sa mukha ay ang pagdaloy ng pangungulila sa kanyang puso.

"Paano kung hindi nga ako si Laurisse," she said in the middle of crying. "...mamahalin mo pa rin ba ako?"

"Hi."

Abala ang batang Erik sa pagbubukas ng gate ng kanilang bahay upang ipasok ang kanyang bike. Katatapos niya lang maggala sa subdivision kung saan sila lumipat ng bagong bahay. Pinayagan siya ng kanyang mga magulang na gamitin ang kanyang bike at lumibot sa bago nilang lugar ngunit walang nagtangkang lumapit sa kanya noong tumambay siya saglit sa playground kaya laking gulat niya nang malingunan niya ang isang batang babae na sa tingin niya ay halos kasing edad niya lang. Hindi naman niya alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso niya nang masinagan ang maganda nitong ngiti.

"Hi!" ulit ng batang babae. "Nakita kita kanina sa playground. Lalapitan nga sana kita kaso nga lang umalis ka naman bigla. Bago ka lang dito? Ngayon lang kasi kita nakita. Tsaka kayo na ba nakatira diyan? May nakabili na pala sa bahay nila Ate Sam at Kuya Zejo. Diyan lang ako nakatira, oh, sa katapat na bahay niyo."

Halos hindi niya nasabayan ang sunod-sunod na sabi ng batang babae sa kanya dahil halos nakatitig lamang siya sa maamo nitong mukha lalo na sa mga mata nitong napakaganda sa kanyang paningin.

"Ako nga pala si Laurisse. Puwede ba kitang maging kaibigan?"

Sinundan niya lang ng tingin ang palad ng batang babae na nag-aalok sa kanya ng shakehands. Sa sobrang bilis ng batang babae sa mga sinasabi nito ay hindi niya nagawang tanggapin ang pakikipagkamay nito kaya laking gulat niya nang ito na ang kusang umabot ng kamay niya upang makipagkamay. Hindi naman niya alam kung bakit napatitig siya sa sariling kamay na dumampi sa palad ng batang babae. Napakalambot ng kamay nito na parang gusto niya ulit hawakan.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ng batang babae.

"E-Erik," utal na sagot niya.

"Hi, Erik!" bati sa kanya ng batang babae. "Huwag mong kalimutan ang pangalan ko, ah. Ako si Laurisse. Kapag nakita mo ako, tawagin mo ko, ah!"

Tanging tango lamang ang naisagot niya at halos balutin siya ng kaba nang ngumiti na naman ng bagong kaibigan.

"Kita ulit tayo bukas. Malapit na kasi maggabi. Kailangan ko na umuwi. Diyan lang naman ako sa katapat na bahay niyo," anito sabay turo sa bahay na katapat ng bagong bahay nila. "Bye!" paalam nito. Buong akala niya ay tatalikod na ito ngunit laking gulat niya nang bigla siya nitong yakapin at mabilid na tumakbo pabalik sa bahay nito.

And he was left there with no words.

Ibang klaseng babae, his mind said.

BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon