MARCH 8, 1998
Masaya ako na nakatagpo si Laurisse ng kaibigang hindi masyadong naglalaro sa playground. Nakakainis na kasi siyang pagsabihan araw-araw na huwag maglalaro sa playground."Maglaro sa playground?" tanong niya sa sarili. "Bakit bawal maglaro si Laurisse sa playground?" Hindi niya namalayang napaupo na pala siya sa gilid ng kama habang binabasa ang nakasulat sa pangalawang pahina ng stationary notebook.
She never expected to read a diary on that notebook. And it actually happened 21 years ago.
"Nagsusulat sa diary si Lauraine?" Isang malaking tanong para sa kanya kung siya ba ang nagsulat sa diary na iyon.
March 10, 1998
Nag-alala ako kay Laurisse. Akala ko tumakas na naman siya para maglaro sa playground. Nakipagkuwentuhan lang pala sa bago niyang kaibigan sa bahay nito. Bakit ba kasi ayaw niya akong gayahin na pumirmi lang dito sa bahay after school?Bagong kaibigan? Sino ang bagong kaibigan na tinutukoy ni Lauraine?
Suddenly, the face of Erik striked on her head. "If Laurisse met Erik when they were young, it means Lauraine was talking about him on this?"
April 21, 1998
Tinawag ako ni Erik na Laurisse. Napagkamalan niya ako na si Laurisse. Ganda talaga namin ng kapatid ko. Magkamukhang-magkamukha kami.Napangiti siya sa entry na nabasa. Naniniwala na siyang halos walang makakapagsabi kung sino sa kanilang dalawa si Lauraine at Laurisse dahil maging si Erik ay nalito sa kanila noon.
April 23, 1998
Hindi ko na natiis gutom ko, binawasan ko yung banana cake na binigay sa akin ni Erik para kay Laurisse. Inagawan naman niya ako. Masaya ako na paminsan-minsan na lang naglalaro si Laurisse sa playground. Nalaman kong Chess ang pinagkakaabalahan nila ng kaibigan niya. Gusto ko tuloy pasalamatan si Erik dahil sa ginawa para sa kapatid ko.Erik is the reason why Laurisse loved banana flavors. Bigla niyang naalala noong kumain sila sa labas ni Erik. Kaya pala ginigiit sa kanya nito na banana cake and smoothie ang favorites ni Laurisse.
April 28, 1998
Noong isang araw pala tinanong ko si Laurisse kung papayag siyang maging isang tao na lang kami. Nakakalungkot. Ayaw niyang pumayag.Maging isa ang katawan? Namin? Bakit? Bakit gusto niyang maging isa ang katawan namin? Isang malaking tanong iyon para sa kanya. Why would Lauraine wanted to be their as one?
Mabilis na nilipat-lipat niya ang ilang pahina ng diary. Lahat ng nakasulat doon ay halos tungkol sa nangyayari kay Laurisse. Parang bawat kilos ng huli ay sinulat ni Lauraine. Bawat gawin nito ay nakalathala sa diary na iyon.
Pero bakit puro tungkol lang kay Laurisse ang sinulat ni Lauraine?
April 19, 2002
Nag-away kami ni Laurisse. Nasigawan ko siya at isa iyong pagkakamali na pinagsisihan ko. Hindi ko dapat iyon ginawa sa kanya. Kung hindi sana siya naglaro maghapon sa playground, hindi siya kailangang isugod ni Daddy sa ospital. Ang mawala ang kapatid ko nang dahil sa akin ang pinakamasamang magagawa ko sa kanya at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon.Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Bigla namang sumakit ang sentido niya na halos para siyang binabarena. Nabitawan niya ang diary at napasubsob siya sa kama. At isang bangungot ang rumehistro sa kanyang alaala.
"'Di ba sinabi ko na sa'yo! Huwag na huwag kang magpapagod! Bakit ang kulit mo!"
Hindi niya pinansin ang pangangaral ng kanyang kapatid at nagtuloy-tuloy na naglakad patungo sa hagdan.
"Bakit ba ang kulit-kulit mo! Pinagsabihan na kita, 'di ba! Bawal ka na sa playground! Kapag hindi ka tumigil, isusumbong kita kay Daddy na nakikipaglaro ka sa Erik na iyon sa playground!" sigaw ni Lauraine.
Marahas na napalingon siya sa kapatid na may masamang tingin sa kanya.
"I just want to enjoy my life! Anong masama doon, Lauraine!" balik niya sa kapatid.
"You're trying to kill yourself! Anong masama doon?!" gigil na balik sa kanya ng kapatid.
"Even for the last time, gusto kong mamatay na masaya ako at hindi nagkukulong sa kuwarto kasama ang mga libro ko!"
"Bakit! Alam mo ba kung anong mga binabasa ko! Alam mo ba kung para saan ako nagbabasa?!" isang butil ng luha ang umalpas mula sa mga mata ng kanyang kapatid. "It's for you. Dahil gusto kong maging doktor mo. At hindi lang basta sundan lang ang mga yapak ni Daddy. Gusto kong maging doktor mo. Gusto kong gumaling ka."
Natahimik siya sa sinabi ni Lauraine. Hindi niya inaasahan ang sinabing iyon ng kanyang kakambal. All these days, she thought Lauraine wants to be like their Dad that's why she's too focus on her studies. Iyon pala'y gusto nitong maging doktor niya.
"Laurisse? Anong nangyayari sa'yo?" humina ang boses ng kanyang kapatid. Napuno iyon ng pag-aalala. Napuno ng takot ang boses ni Lauraine. Ang sigaw nito ang huli nkyang narinig bago siya nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.
"Laurisse! Huwag mo naman akong takutin ng ganyan! Laurisse!"
Napamulagat siya sa alaalang iyon. Halos habol niya ang kanyang paghinga at napahawak na rin siya sa kanyang dibdib. Hindi niya pa rin lubos maisip ang katotohanang dala ng alaalang iyon.
"I-I am L-Laurisse..." Nag-unahang bumagsak ang mga luha mula sa kanyang mga mata. "A-Ako si Laurisse." That memory made her realize her true name. "I am Laurisse..." Hanggang isang hagulgol ang maririnig sa buong kuwarto iyon.
She was in the middle of crying when she realized something from that piece of memory.
May sakit ako? bigla niyang natanong sa sarili. "Nag-aalala sa akin si Lauraine dahil may sakit ako?" Napahigpit ang kapit niya sa kobrekama nang makaramdam ulit siya ng sakit mula sa kanyang sentido.
"Kakaalis lang ni Erik. Hinahanap ka niya."
BINABASA MO ANG
BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #8: Laurisse, The Dauntless Daughter Laurisse is a frustrated doctor. She did everything just to please her father but it felt like she's just doing that to give him a favor that they lost a long time ago. Kahit anong gaw...