HINDI ALAM ni Laurisse na seryoso nga si Erik sa pagpapaalam nito sa kanya kung puwede itong sumabay sa kanya at ngayon nga ay hindi niya alam kung paanong hawak ang gagawin niya sa manibela habang tinatahak nila ang mahabang highway ng Commonwealth Avenue. Pilit naman niyang pinapakalma ang sarili tuwing maanigan niya sa sulok ng kanyang mga mata ang panaka-nakang pagtingin sa kanya ni Erik na nakaupo sa passenger's seat ng kanyang kotse.
"Naiilang ka na ba sa akin?" maya-maya'y basag ni Erik sa katahimikan nilang dalawa.
Bigla naman agad siyang nataranta sa tanong nito. Bigla niyang naisip na baka nahahalata ng binata ang pagkakailang niya sa presensya nito.
"H-Hindi naman. Okay lang," sagot niya.
"Diretso uwi ka na ba?" tanong ni Erik.
Iniiwas niya ang tingin dito nang mailang siya sa ngiti nito. "Oo. Wala na naman akong pupuntahan."
"Can we have a short break in a café?"
Pinabagal niya ang pagpapatakbo sa kanyang kotse nang marating nila ang Elliptical Road. Saglit niya itong binigyan ng tingin saka binalik sa harapan ang tingin. "H-Ha?'
"Baka lang gusto mong kumain muna sa labas. Magkape. Maaga pa naman."
May parte sa isip niya na gustong umayaw pero mas nananaig sa kanyang puso na makasama pa ang binata ng mas matagal sa hindi niya malamang dahilan.
"Sure."
Nagulat siya nang biglang lingunin siya ni Erik na may tuwa sa labi. "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong nito.
Tumango-tango siya. "W-Wala na naman akong gagawin pag-uwi." Pilit niyang pinapaniwala ang sarili na gusto niyang pumayag dahil wala talaga siyang gagawin pag-uwi at hindi dahil sa kagustuhang makasama ang binata ng mas matagal.
"Fisher Mall? Iyon 'yung mas malapit na mall sa atin ngayon."
"Okay."
Kabado pa ang puso niya nang i-park niya ang kanyang kotse sa parking area ng mall. Pigil niya pa ang paghinga nang mabilis na bumaba si Erik ng sasakyan at umikot para pagbuksan siya ng pinto.
"Salamat," nahihiyang saad niya nang makalabas siya. Palihim niyang nakagat ang ibabang labi nang hindi sinasadyang maamoy niya ang pabangong panlalaki nito.
"No, it's thank you for coming with me," nakangiting saad ni Erik.
Binalik niya ang ngiti dito. "W-Welcome."
Napadpad sila sa isang sikat na café at pumwesto sa isang sulok kung saan tanaw ang mga dumadaan sa labas ng café. Inorder niya ang paborito niyang cookies and cream smoothie at isang slice ng black forest cake. Hindi naman niya napansin ang pagkakatitig sa kanya ni Erik dahil naging abala siya sa mga pagkaing nasa kanyang harapan kaya bigla siyang nakaramdam ng hiya nang magtama ang mga mata nila ng binata.
"Sorry," hinging-paumanhin niya.
Napatawa si Erik. "It's okay. Nakakatuwa ka lang pagmasdan habang nakain. You seem enjoying your food."
"Favorite ko kasi."
Tumango-tango si Erik. "I see."
Ilang na napangiti siya sa binata bago binalik ang tingin sa kanyang pagkain. Hindi naman niya alam kung paanong kain pa ulit ang gagawin niya ngayong parang lagi nitong pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Hindi naman niya magawang bigyan iyon ng pangit na kahulugan.
"Honestly, ang akala ko kasing favorite mo ay banana smoothie at banana cake. Kaya medyo nagulat ako sayo nang iba ang inorder mo."
Napahinto siya sa tangkang pagkain ng cake sa sinabi ni Erik. Napatingin siya sa mga mata nito at nabasa siya ang pagkaseryoso nito. Hindi naman niya mabigyan ng kahulugan ang kabang nararamdaman.
"Paano mo naman nasabing favorites ko ang mga iyon?" kunot noong tanong niya rito.
Sumimsim muna si Erik sa inorder nitong kape bago ulit nagsalita. "Remember, when we were young, lagi mo akong hinihingian ng saging. Any food basta banana flavor."
"What?" Halos manlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito. When they were young? It means Erik knows her since childhood? "Matagal na ba tayong magkakilala?"
Erik stared at her intently that makes her more uncomfortable. "Hindi mo ba talaga ako maalala?"
Mas lalong nagulo ang isip niya. Pilit niyang hinahalukay sa isip niya kung kailan niya unang nakilala ang binata. Magkapitbahay sila kaya may posibilidad na matagal na siyang kilala nito.
"Since I was seven when we first met. Ikaw ang unang nagpakilala sa akin noon," natatawang saad ni Erik. "That's weird."
"And that makes you more creepy," aniya. "Pakiramdam ko sinusundan mo ako. Mula sa UV Express, sa ospital and honestly, pumasok sa isip ko na baka sinadya mong iwan ang sasakyan mo para makasabay sa akin tulad ng ginawa mong pag-iwan sa kotse mo sa ospital para lang masundan ako sa UV."
"Yes."
Kulang ang gulat para ilarawan ang ekspresyon ng mukha niya ngayon sa diretsahang pag-amin na ginawa ni Erik. Hindi naman niya agad mabawi ang mga matang nakatingin ngayon sa mga mata ng binata na wari'y sinasaulo ang bawat sulok ng mukha niya.
"Are you crazy?" singhal niya rito. "Bakit ginagawa mo ito?"
"Because I like you."
At halos dumagundong ang tibok ng puso niya sa pag-amin na iyon ni Erik. Hindi man lang ba siya magdadahan-dahan sa pag-amin? Ginugulo niya ang isip at puso ni Laurisse. Kanina kaya pa niyang pigilan ang kabang nararamdaman pero mukhang ngayon ay ipagkakalulong na siya ng kanyang puso.
"And you know what?" ani Erik. May tipid itong ngiti na wari'y hindi sigurado sa sasabihin. "I asked myself if you were really the one I liked when we were young."
"Bakit naman?" usisa niya na kinakunot ng noo niya.
"Because you don't know me. Ni hindi mo ako namukhaan."
Hindi na naman niya alam kung tama bang sabihing lungkot ang nakikita niya sa mga mata ng binata. Pinakiramdaman naman niya ang sariling damdamin. Hindi niya maipaliwanag ang konsensyang nararamdaman kung totoo ngang nagkakilala na sila noong mga bata pa sila pero hindi niya matandaan.
"You used to play with me at the park."
Umiling-iling siya. "Hindi ko maalala."
"You thought me how to play Chess."
Marahas siyang napailing. "I can't remember."
"You learned about my skills in baking. Lagi mo akong nginingitngitan ng banana cake."
"I don't know." Napahigpit ang hawak niya sa tinidor saka malamig na tiningnan ang binata. "I can't remember. I'm sorry." Pakiramdam niya ay malaki ang naging kasalanan niya sa paglimot ng kanilang mga alaala.
Erik shooked his head. "Umalis ako ng walang paalam sa'yo. Dinala ako nila mama sa US para doon mag-aral ng high school hanggang college kaya nawalan tayo ng communication. May kasalanan din ako."
Naikuyom niya ang mga kamao. "Bakit hindi ko maalala? Bakit wala akong maalala?"
"Don't pressure yourself. Hindi ako galit. Gawa na lang tayo ng bagong memories."
Her heart almost stopped beating when she saw his most beautiful smile. Naging parte na ng buhay niya ang mga ngiting iyon ni Erik pero ang mga memories na iyon ay nawala. Hindi niya maalala. Wala siyang maalala.
"I will court you."
And that is the scariest thing she heard from a handsome guy.
BINABASA MO ANG
BOOK 8: Laurisse, The Dauntless Daughter [COMPLETED]
RomantizmAngel With A Shotgun Series #8: Laurisse, The Dauntless Daughter Laurisse is a frustrated doctor. She did everything just to please her father but it felt like she's just doing that to give him a favor that they lost a long time ago. Kahit anong gaw...