* CHAPTER 1~ Blue Haven wall was wrecked!

17.8K 541 58
                                    

~•~•*•~•~

CHAPTER ONE
Blue Haven wall was wrecked!

Azure.. Ang makapangyarihan na pinuno ng gobyerno. Nasa ilalim ng kaniyang kontrol ang mga hierarchies nang bawat bloodline. Mga elite families na may malaking papel sa lipunan, at mga taong nilalayo sa karamihan dahil sa espesyal na kapangyarihan. Ang sistemang ito ay tinatawag na Blue-abyss system.” kung saan ang mga elite lamang ang nakakakuha ng tamang hustisya at magandang pag trato mula sa iba.

Blue Haven Academy..

Ang natatanging elite school na tumatanggap ng mga mortal na estudyante. Maganda ang imahe ng mga tao sa eskwelahan na ‘to, dahil sa ganda ng kalidad, lugar at pagtuturo dito. Pero ang hindi alam ng nakararami na may tatlong rules ang eskuwelahan na ‘to. Rules na kapag nilabag ay may mabigat na kaparusahan.

Ang Blue Haven ay gawa sa napakatibay na konkreto. Konkretong hindi mawawasak ng kahit anong magnitude ng lindol. Hindi matatangay ng napakalakas na ipo-ipo at lalong hindi mapapatumba ng kahit anong bagyo. Isang malakas na enerhiya kasi ang bumabalot dito, sapat na para maramdaman ng mga estudyanteng ligtas sila mula sa mga outsiders.

May dalawang division ng mga estudyante. Mortal at immortal. May limang unit naman sa ilalim ng immortals. Guardian, Vampire, Sorcerer, Alchemist, Esper, Faunus.

May anim na kinikilalang Alpha ang mga estudyante sa Blue Haven. Ang Alpha ay katumbas ng isang pinuno sa bawat unit. Hawak nila ang mga estudyanteng nakapailalim sa kanilang bloodline. Sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan, nasusukat kung sino ang karapat-dapat na tawaging Alpha, at walang magagawa ang mga nasa-ilalim kun ‘di ang sumunod.

Rank is what matters. Nakasabit sa bandang kanan ng kanilang uniporme ang emblem na sumisimbolo ng kanilang unit at katayuan sa school. Hindi na nila kailangang gumamit ng ID dahil ang kanilang emblem na rin ang nagsisilbing chip para makilala at maka-access sa buong Academy. Kapag mataas ang katayuan ng estduyante, dapat silang katakutan. Pero kapag mababa lamang ang katayuan ng estudyante, dapat na siyang kabahan.

Tumigil ang isang limousine sa tapat ng Blue Haven. Maririnig ang biglaang hiyawan at tili mula sa ulupong ng mga babae at lalaking estudyante na kanina pa naka-abang sa school entrance. Sa dami nila ay nahaharangan ang malaking daanan ng Academy. Ilan pa sa kanila ay may winawagayway na bandera at posters, kung saan nakasulat ang malalaking letra ng Welcome back, Alpha!’

Pinagmasdan ng binatang nasa loob ng limousine ang ma-init na pagtanggap sa kaniya ng mga kaklase at ka-eskuwela mula sa labas.  Para tuloy siyang artista na dadalo sa isang fan meeting dahil sa dami ng mga nag a-abang sa kaniya, dinaig pa nga niya yata ang isang sikat na artista. Ngunit sanay na siya sa gan‘tong senaryo, dahil taon-taon naman ito nangyayari.

Nang buksan niya ang pinto para bumaba, isang ngiti ang ginawa niya na lalong lumikha ng ingay sa paligid. Samu’t saring papuri at komento ang naririnig niya, pero ni-isang salita ay wala siyang pinakinggan. Sa tulong ng kaniyang mga chauffeur na humahawi sa mga nakaharang na estudyante, mabilis niyang nilagpasan ang mga ito at naglakad palayo sa lugar na ‘yon.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon