Two chapters as I promised..
***
“Knock him off!”
“Use your telekinesis!”
“Hahahahaha! Loooser!”
“Loser!”
Tuwang-tuwa ang isang grupo ng mga Espers habang pinagtutulungang patumbahin ang lalaking sorcerer. Tinago ng mga ito ang kaniyang wand, at hindi niya alam ang gagawin para mabalik ito sa kaniya. Natatakot siya na labanan ang mga ito. Hindi rin naman niya mapatulan dahil sa bilang nila.
‘Tss, badtrip.. Matatapang lang kapag magkakasama..’
“Ibalik niyo ang wand ko!” singhal niya. Gusto nalang niya tuloy umiyak para lang maawa ito sa kaniya. Pero mas malala pa yata ito sa mga batang bullies sa lugar nila. Parang walang mga konsensya at nabubuhay lang sa pang-titrip ng iba.
“Ha?? At bakit ka namin susundin??” naka taas ang kilay na tanong ng lalaking bilog ang salamin.
“Gawin mo muna ‘yung pinapagawa namin..” sabat naman ng lalaki sa likuran nito. Eto ang pinaka-maliit sa apat. Kung nag-iisa nga lang ito ay kaya niya itong patumbahin.
“Give up, loser! Hindi mo na ‘yon makukuha sa ‘min!”
“O siya, dahil may awa pa naman kami.. Bibigyan ka namin ng paraan para makuha ‘yon sa ‘min.. Pero hindi ‘yon magiging madali..”
“Halikan mo ‘yung sahig!”
“Hahahahaha h‘wag ‘yon!”
“Sige sige, ano nalang.. Sumayaw ka sa gitna! Hahahaha!”
“Ayy may naisip na ko!”
“Ano yon??”
“Umiyak nalang siya habang nagmamakaawa na ibalik ‘yang wand niya.. ‘diba?”
“Tama, tama! Good idea..”
Napatingin lang siya sa mga ito habang hindi makapaniwala sa mga suhestiyon nila. Grabe, hindi na niya tuloy alam kung Academy pa ba ang pinasukan niya. Walang araw na hindi ka mapag-ti-tripan. Palaging nakakalat ang mga basag-ulo na estudyante na sobrang taas ng tingin sa sarili. Nakakabahala.
“Oh, ano pang tinutunganga mo?? Gawin mo na!”
BINABASA MO ANG
UNRIVALED!
Ficción GeneralSo, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then maybe you should get stronger.." un·ri·valled \ˌən-ˈrī-vəld\ : better than anyone or anything else: having no rival: incomparable, supreme ...