• CHAPTER 10 "The Lost Shoe"

5.7K 359 94
                                    

PUMASOK si Ceref sa infirmary kung saan naka-admit si Oscar. Nadatnan niya ang walang malay na katawan nito sa higaan. Maraming apparatus ang nakatusok sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito, na aakalain mong may isang nakakamatay na sakit dahil sa dami ng mga nakakabit dito.

Umupo siya sa upuang nasa tabi ng kama nito at pinagmasdan ang kalunos-lunos na kalagayan ng kaniyang alalay. Kinuha niya ang folder sa ibabaw ng beside table kung saan nakalakip ang mga information tungkol sa kalagayan nito.

Heavy fracture. Brain damage. Lahat na yata ng malalang damage ay natamo ni Oscar. Mabuti na lamang at sorcerers at alchemists ang mga doctors at iba pang mga staff dito, nakatulong ito para maka-survive si Oscar sa lahat ng nangyari sa kaniya. Dahil kung wala ang mga ito, ay imposibleng mabuhay siya matapos mangyari ang insidente.

Binalik niya ang folder sa beside table at tiningnan ang kaniyang alalay. Tatlong araw na itong naka-admit sa infirmary, wala pa ring nakukuhang response ang mga doctor sa conscious at awareness nito kahit na ba humihinga ito. Malaking palaisipan sa mga doktor ang dahilan kung bakit ito nangyari sa estudyante.

Tatlong araw na rin ang nakalipas mula nang huli siyang uminom sa dugo ng mortal. Simula ‘non ay natigil rin ang panghuhuli niya sa mga estudyanteng matipuhan niya ang dugo, at napilitang uminom ng artificial blood. Labis ang inis niya dahil doon, hindi niya hahayaang ganoon na lamang ang inumin niya dahil paniguradong magkakasakit siya.

Ang mga bampirang nabibilang sa pinakamataas na lahi ay nararapat lamang na uminom ng fresh blood mula sa mga mortals. Nakakatulong itong palakasin ang kanilang sistema at kakaiba ang lasa nito, mas matamis at masarap kumpara sa artificial blood. Naiinis niyang inihilamos ang kamay sa mukha at hinagod ang kaniyang buhok. Namomoblema siya ngayon, hindi dahil kay Oscar, kun‘di dahil sa paglitaw ng babaeng iyon.

Hindi siya titigil. Hinding-hindi siya titigil hangga’t hindi mamamatay ang babaeng iyon. Bukod kasi kay Orion na alpha ng mga guardians ay si Eugi ang nakikita niyang malaking sagabal para maging numero uno siya sa lahat. Ang buong akala niya pa naman ay magiging madali lang sa kaniya ang taon na ito dahil nararamdaman niyang malapit na niyang ma-ungusan ang ranggo ni Orion, ngunit doon siya nagkamali. Dahil kahit na walang ginagawa si Eugi upang makilala siya, pakiramdam niya ay inaangatan siya nito.

“Kapag hindi mo ‘yon nagawa.. Ikaw mismo ang luluhod sa harap ko.. You can do anything you want, but you can’t make me fall for my knees..” 

Naaalala niya ang katagang iyon ni Eugi. May kasunduan silang dalawa na kapag nagawa niyang paluhurin ang babae sa harap niya ay titigilan na niya ang pagpapahirap dito, at kapag hindi niya iyon nagawa ay siya mismo ang luluhod sa harap nito. Nakakatawa mang isipin pero nanggaling ang mga salitang ito sa isang mortal.

Hindi makapaniwalang umiling si Ceref dahil sa naisip. Paluluhurin mo ako? Ha!” napasinghap siya habang kinakausap ang sarili. Sa tingin mo talaga mapapaluhod mo ko?” ngumisi siya na parang nasa harap lang ang kausap. “Tatawanan lang kita kapag lumuhod ka sa harap ko, dahil ‘di magtatagal ikaw mismo ang makiki-usap sa ‘kin at luluha ng dugo sa harap ko..”

Kasalukuyan niyang ipinadala ang iba niyang tauhan para target’in ang babaeng iyon at inaasahan niya maya-maya lang ang magandang balita na patay na ito. Patayo na sana siya sa upuan ng tumunog ang kaniyang cellphone. Sinagot niya ang tawag ni Vix.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon