• CHAPTER 21 "Trap"

5.7K 307 42
                                        

"Neo?"

"Neo??"

"Tao po?"

Napakislot mula sa kaniyang kinahihigaan si Neo nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok ng kaniyang butler sa may pintuan. Wala sa sarili niyang naitago muli ang communicator locket sa ilalim ng kaniyang unan at umasta na parang walang ginagawa. Inabot niya ang wand sa ibabaw ng beside table at ginamit ang kaniyang magic para atomatikong mabuksan ang pinto.

Nang buksan niya ang pinto ay nag-aalalang pumasok ang kaniyang butler. "Okay na ba ang pakiramdam mo?"

"O-Okay naman.." pilit ang ngiti niya dito.

"Kakayanin mo na bang tumayo??"

"Siguro.."

"Halika, punta tayo sa herbalist mo para ma-check 'yang injury mo."

Inalis ni Neo ang pagkakabalot ng kumot sa kaniya at dahan-dahang umalis sa higaan. Lumapit naman ang kaniyang butler at inalalayan siya na parang isang pasyente. Ang kaniyang butler ay isang mortal na mas matanda ang edad sa kaniya. Maalaga ito at hindi matapobre tulad 'nong mga nakaraan niyang butler.

Naalala niya! Finals na ni Eugi! Sheet, hindi niya mapapanood ang laban nito! Argh! Bakit ba ang sama ng timing sa kaniya.

Hindi mawala sa isip niya ang tournament dahil paniguradong nagsisimula na ito. Ang sakit sa loob niyang hindi man lang niya ito masasaksihan ng live.

"Neo, nag-skip ka na naman ba ng afternoon meals mo?" tanong sa kaniya ng babae.

"Ha? Hindi, ah.."

"Weh, e bakit ang sabi sa 'kin ni madam ay 'di ka daw sumasagot 'nong kumatok siya?"

"E baka naman tulog ako.."

"Tsk, tsk.. H'wag mo kasing i-lock 'yung pinto, alam mong nag-aalala kami sa 'yo.."

"Talaga ba?"

"Oo naman! Naku, paktay ako kung may mangyari sa 'yo."

"Sorry na.. Pero oks lang ako, wala kayong dapat ikabahala.." napapangiti si Neo. "Tsa nga pala, 'kelan ako pwedeng pumasok na?"

"Next day pa.. Hindi pa pwedeng madaliin 'yang pag-galing mo.. Pero speaking, hindi ba ngayon 'yung tournament sa school niyo?"

Biglang kinabahan ang kaniyang dibdib sa sinabing iyon ng babae. Pasimple niyang nakagat ang labi sa kaba. "Ha? Oo nga no? H-Hindi ako updated, e.. Hehe.." kinakabahan na utal niya. Nakita niya ang pasimpleng pag ngisi ng kaniyang butler.

"Oh bakit parang kinakabahan ka? Tinanong lang kita.."

"A-Ako kinakabahan? Hehe, psh! Sumasakit lang ulo kaya wala ako sa sarili ko ngayon.."

"Alam ko.. Dahil nan'don 'din 'yung replica mo sa tournament.." nakangising sagot nito sa kaniya.

Sandaling natigilan si Neo nang mapagtanto ang ibig sabihin nito!

Hindi kaya-??

"H'wag mong sabihing-!?" nanlalaki ang mga mata niya sa kaba.

"Na alam ko? Mm, alam ko na.. Kanina pa.." ngiti nito sa kaniya.

"Hwaaaaaaaaa! Ateee!" halos mangiyak-ngiyak niyang sambit dito saka hinawakan ang pareho nitong kamay. "Please h'wag mong sabihin sa iba! Please, please!"

"Oo na! Oo na! Tumahimik ka na 'diyan, para kang sira.."

"Eh kasi e! Tinatago ko nga 'yun tapos malalaman mo.. Kailan mo nalaman?"

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon