"CHECKMATE!" malakas na sabi ni Gerard 'saka humalakhak na parang isang villain sa loob ng palabas.
Nag palakpakan ang mga taong nanonood sa paligid. Panalo na si Gerard laban kay Junel at Jose. Kahit pa hindi pa niya nakaka-laro si Eugi ay malakas naman ang kumpiyansa niyang matatalo rin ito. Dahil kung nagawa niyang talunin ang dalawa nitong kasama na may experience sa gan'tong laro, si Eugi pa kaya na walang ka-alam alam sa gan'tong bagay.
Well, it's his lucky day!
Tumingin ang mga tao kay Eugi, puno ng panunukso ang mga mata nila. Siya na ang huling lalaban pero wala man lang antisipasyon mula sa mga nando'doon, dahil alam nilang u'uwi ito ng talunan at hindi 'yon mag ba'bago. Ilang minuto niya ring pinag-masdan kung paano nilalaro ang enchanted chess. Medyo naguguluhan pa siya pero nakuha naman niya ang objective ng laro.
Pero bahala na.. Sana ay s'wertihin siya..
Pum'westo si Eugi sa harap ni Gerard habang ina-ayos naman nito ang piyesa pabalik sa chessboard.
"Isa na naman sa matatalo ni boss.."
"Wala nang bago.. Magulat ka kung manalo siya.."
"Tsk, nakakapang-hinayang talaga.. Siguradong matatalo siya.."
"At mapupu'gutan pa ang dalawa niyang kasama.."
"Kasalanan niya 'yan.. Hindi dapat siya nag-laro dito kung hindi siya marunong.."
"Tama.. Kawawang babae.. Sa tingin ba niya pag-bibigyan siya ni Gerard dahil babae siya? Eh ang hindi niya alam, mas gusto ni Gerard ang mag pa-iyak ng mga babae, haha!"
Kanina pa hindi makapag-salita si Junel at Jose sa gilid ni Eugi. Sobra ang kaba nila sa kala'labasan mamaya ng laro. Namumuo na ang pawis sa kanilang noo at kulang nalang ay matunaw na ang buo nilang katawan dahil sa kaba na nararamdaman nila. Wala ng pag-asa. Kung natalo sila kay Gerard, paano pa kaya si Eugenie?
'Kung lakas ang usapan, siguradong si Queen ang mananalo.. Pero sa gan'tong bagay..? Paniguradong mamamatay kami nito, huhu!'
'Goodbye world!'
"Ihanda niyo na 'yang sarili niyong umuwi ng walang ulo, hahahaha!"
"'Nu kaba, 'di na sila makaka-uwi kasi wala na silang ulo, haha!"
Takte! Hindi naka-tulong sa kaniya ang komento ng mga tao sa paligid. Mas lalo siyang nape-pressure sa mga sinasabi nito.
Pinunasan ni Junel ang pawis sa kaniyang noo.
"Wala pang nakaka'talo kay Gerard pag-dating sa strategy games!" Ani ng lalaki sa tabi nito. "Good luck, miss.."
"Handa ka na ba? Kung gusto mong mag-back out, pwede pa naman!" nakangising sabi ni Gerard. Buo ang tiwala niyang siya ang mananalo. Tiningnan nila ang babaeng nana'natiling kalmado sa kaniyang inu'upuan. Hindi nito pinapansin ang opinyon ng mga tao at parang sarado ang mundo nito. Alam ni Gerard na siguradong kina'kabahan na ito at hindi maka-galaw. Muling nag-tawanan ang mga taong nano'nood.
"Mukhang kinakabahan ka pa eh.. I'll have the first move.." si Gerard.
"No.. I'll go first.."
"Go ahead.."
"E-four.." kusang gumalaw ang piyesa sa p'westo nito.
"Queen, pag-isipan mong mabuti!"
"Wala pa nga, Jose! H'wag mo namang i-presure si Queen!"
"Queen, kung gusto mong mag-back out nandito lang kami! Kami nalang ang mag-lalaro!"
BINABASA MO ANG
UNRIVALED!
Ficção GeralSo, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then maybe you should get stronger.." un·ri·valled \ˌən-ˈrī-vəld\ : better than anyone or anything else: having no rival: incomparable, supreme ...