KINUHA ni Eugi ang inumin ng malaglag ito sa vending machine. Kaagad niya itong binuksan saka ininom. Nang maubos na niya ang inumin ay itinapon niya ito sa malapit na basurahan. Napatingin siya sa kaniyang suot na countdown watch. May five minutes pa bago magsimula ang third clash. Si Alistair naman ang makakaharap niya.
"Nervous?" tanong ng lalaking biglang sumandal sa vending machine.
Huminto si Eugi para pagmasdan ang lalaking ito at hindi umimik sa tanong nito kanina. Saan nga ba niya nakita ang mukha nito? Psh, hindi na mahalaga 'yon.
"Don't be surprised, I'm not a bad person," ngumiti pa ito na parang walang masamang intensyon sa kaniya. "By the way, I'm Rui. The Sorcerers Alpha," inilahad pa nito ang kamay sa kaniya pero tiningnan lang ito ni Eugi saka muling tumingin sa mukha niya. Napapahiyang binaba ni Rui ang nakalahad niyang kamay nang hindi man lang ito nagpakita ng interes sa kaniya. Damn, stubborn sorcerer.
'Walang nag tanong..' isip ni Eugi.
"How cold, miss wizard.. That's not cute at all.. But I'm serious, mag-iingat ka kay Alistair.."
"Okay.."
"And I also have a good news for you.." paalis na sana si Eugi pero pinili nalang niyang pakinggan ang sasabihin nitong estranghero. "If you manage to win against him, I'll give you a chance to join my troupe. You'll be working with professionals mage and wizards. How about that?"
Sandaling nag-isip si Eugi. "No thanks, too much work.."
"We're talking about opportunity here, and you'll slip it away?"
"I let burden slip away.. Hindi pa naman ako nananalo, diba?"
"R-Right.." sagot ni Rui bago siya talikuran ni Eugi para bumalik sa waiting area. Natutulala niyang sinundan ang pigura ng babae hanggang mawala ito sa paningin niya. Napaisip tuloy siya, bakit gano'n ito makapagsalita sa kaniya? Walang galang. Siya ang leader ng sorcerer unit at isang sorcerer si Neo, pero hindi siya nito kilala at hindi man lang siya tinawag nitong Alpha kahit pa nagpakilala na siya.
'Hm, pasalamat ka at interesado ako sa'yo..' napangisi siya sa isipan bago naglakad paalis sa lugar na 'yon. Natanawan niya mula sa malayo ang kaniyang kaibigan, habang papalapit siya dito ay mas nakikita niya ang pag ngisi nito sa kaniya.
"Are you hooking with that sorcerer girl?" mapanuyang tanong nito sa kaniya.
"I just offered her my troupe, I don't see anything wrong with that.." sagot ni Rui dito.
BINABASA MO ANG
UNRIVALED!
Fiksi UmumSo, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then maybe you should get stronger.." un·ri·valled \ˌən-ˈrī-vəld\ : better than anyone or anything else: having no rival: incomparable, supreme ...