• CHAPTER 42 "Ambush"

4.9K 388 381
                                    


Sa loob ng classroom..

"For the second question.. What would you do if you become a royal ruler?" tanong ni Miss Wengie, na kanilang lecturer sa isang orientation na subject. Isa-isa niyang tina'tanong ang mga estudyante tungkol sa mga bagay na gusto niyang malaman sa kanila. Bawat isang estudyante ay binibigyan niya ng dalawang katanungan.

Tumayo ang tinawag niyang si Samantha at humarap sa kaniyang mga kaklase. "If I become a royal ruler. I will promise to establish equality and justice to every living creature.. I would make sure to maintain peace and unity in my kingdom."

Pumalakpak ang kaniyang mga kaklase sa naging sagot niya at naupo naman na siya.

"Nice.."

"Good yan.."

"Thank you, miss Azucena.. Next, let's have Sheiko.. "

"Y-Yes, ma'am.." tumayo si Sheiko 'saka napa-iwas ng tingin. Medyo kinakabahan siya sa maaring itanong sa kaniya ni miss Wengie pero sana naman ay hindi ga'non ka-hassle ang magiging tanong nito.

"Sheiko, if you become a king.. What is the first rule you would implement for your people?"

Mabilis na napa-kamot ng kaniyang ulo si Sheiko. Biglang nawala sa isip niya ang dapat niyang sasabihin. Tsk. Bakit ngayon pa? Sandali siyang tumingin sa paligid para alalahanin kung ano ang dapat niyang isagot pero parang na-blangko ang buong isip niya. Dahil kinakabahan siya.

"Ano.. Uhm.. I think.."

Hindi niya masabi ng deretso ang kaniyang sasabihin dahil sa tensyon ng tingin mula sa kaniyang mga kaklase. Gusto nalang niyang matawa. Pero mas lalo pa siyang natawa sa kaniyang isipan nang mapa'gawi ang kaniyang tingin sa direksiyon ni Neo, na ngayon ay halatang nag-pipigil ng tawa dahil sa reaksiyon niya. Sandali rin siyang tumingin kay Eugi na naka'tulala na naman sa ka'harap na pader.

"I think I'll implement the most essential rule.. And that is fair treatment to every race? I don't know, I'm not a king so I can't really think myself ruling a kingdom.. And if I do, I'll probably decline the throne and passed it to someone whom I think would be a great ruler.."

"Okay.. Here's a second question.." ngumiti si Miss Wengie. "If there's one thing you wanted the world to have, what is it? And why?"

"Humility.. I think that's what people need to have.. All of us.."

"Mm.. Great answer, Sheiko.. Let's have the next one.." tumingin si Wengie kay Neo. "Kanina pa kita nakikitang tumatawa, miss Esmallaner.. And because of that, you're next.."

Namutla si Neo at mabilis na tumayo. "Y-Yes, ma'am.."

"My first question for you is.. What makes you unique?"

Sandali itong hindi naka-sagot. "Uh.." Ano bang unique sa 'kin?

"My principle.. I guess?"

"And what is your principle?"

"To promote equality and equity.."

"Okay.. Here's the second question.." tumingin si Miss Wengie sa hawak niyang notebook 'saka nag-sulat doon. Tinanong niya muli si Neo para sa second question, at nasagot naman niya ito. Pagka-tapos nito ay marami pa siyang tinanong na mga estudyante. At habang si Eugi ay naghihintay ng kaniyang pag-tawag, inabala nalang niya ang sarili sa pag do-drawing sa likod ng kaniyang notebook.

"Next.. Eugenie.."

Tumayo siya.

Tumitig muna si Miss Wengie kay Eugi 'saka ngumiti dito. Ito ang estudyante niyang hindi pala-ngiti or let's say hindi talaga ngumingiti. Maraming katanungan ang gusto niyang itanong sa babaeng ito, pero dalawang tanong lang kada-estudyante ang dapat niyang ibigay.

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon