* CHAPTER 6 "War on!"

6.1K 380 40
                                    

~•~*~•~
BLUE HAVEN WALL WAS WRECKED!
GIANT TROLL FOUND DEAD IN A DITCH!!

HINDI maipaliwanag ni Ceref ang inis na nararamdaman niya nang mabasa ang magkasunod na balita sa forum. Ito kasi ang kontrobersyal na pinag-uusapan ngayon sa kampus, tila ba malaking misteryo sa mga estudyante kung paano nagawang sirain ang matibay na pundasyon ng eskwelahan, at kung sino ang pumatay sa dambuhalang halimaw.

"First day ng klase, ang dami ng nangyari," komento ng kasama niyang si Vix. Hawak nito ang bote ng artificial blood at panaka-nakang sumisimsim 'non. "Mukhang nagpapakitang gilas na ang mga guardians.."

'Guardian? Ang babaeng 'yon?' muling naisip ni Ceref ang kauna-unahang babae na kumuha ng interes niya, hindi dahil sa may gusto siya rito, kun'di dahil sa ipinakita nito. Alam niyang ito ang sumira ng pundasyon ng Blue Haven, pero wala siyang ideya kung sino ang pumatay sa higanteng troll.

"Hindi lahat kagagawan ng Guardians.. Para mo na 'ring sinasabi na sila lang ang kayang gumawa ng mga bagay na 'yan," tugon ni Ceref.

"Bakit? Inaasahan mo bang magagawa 'yan ng lobo? Alchemist? Sorcerer o Mortal?" tumawa ang kaniyang kasama. "Pwede pa sana kung giant troll ang pag-uusapan, pero ang wasakin ang pundasyon ng Blue Haven? Ibang level na ng lakas ang usapan diyan."

Tama ang kaniyang kaibigan, hindi gano'n kadali wasakin ang pundasyon ng eskwelahan, at kinakailangan ng malakas na kapangyarihan para mawasak ang pinaka maliit na konkreto nito. Pero dahil sa nasaksihan niya kanina, sinasalungat nito ang iniisip niya.

"Vix, naalala mo 'yung babaeng nakuwento ko sa 'yo kanina?"

"Oh, anong may'ron 'don? Siya na ba ang ipapalit mo kay Visla?" nang-aasar ang tono ni Vix.

"Shut up! Sa tingin mo magagawa kong ipagpalit si Visla sa weak-ass na babaeng 'yon?" nainis siya.

"Hahaha! Biro lang, wag kang ma-trigerred. Alam naman ng lahat kung ano ang tipo mong babae." niyukot ni Vix ang ubos na artificial blood at tinapon 'yon sa malapit na basurahan. Pinahiran niya ang labi gamit ang likod ng palad. "Anyways, anong meron 'dun sa babae?"

"Ayun na nga e," tumaas ang gilid ng labi ni Ceref, hudyat na may kalokohan itong ginawa. "I think she's dead.."

"What!?" hindi makapaniwala, ngunit tatawa-tawang tanong ni Vix. "Hahaha! Seryoso ka ba diyan? H-How!?" namamangha ito.

"You know me, I'm Ceref," mayabang niyang ani. "If I don't like someone, I'll kill it."

"You're crazy!" pabirong singhal niya kay Ceref. "What did you do?"

"Nilagyan ko lang naman ng timebob 'yong buhok niya.." masayang paliwanag nito. "I bet, isa na sa pinag-uusapan ngayon ang pagkamatay niya at ng kasama niya. Damay-damay na 'to."

"Loko ka talaga, Ceref.. Nandamay ka pa," mahihimigan ang konsensya sa boses ni Vix. Matagal na siyang sanay sa marupok na pag-uugali ng kaibigan niya. Bata pa lang ay alam na niyang hindi ito marunong tumanggap ng pagkatalo. Pero 'di niya akalaing magagawa nitong pumatay ng inosenteng babae dahil sa mababaw na rason.

"Its not my fault she's with that freak!" asik ni Ceref. "Malas niyang dumikit siya sa babaeng 'yon sa gano'ng oras. 'Yan tuloy, pareho silang kontrobersyal ngayon."

UNRIVALED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon