MARIRINIG ang malalakas na ingay dulot ng matinding laban sa isang bahagi ng kagubatan. Patuloy lamang sa pag atake si Siasca at ang dalawa niyang ka-grupo patungo sa higanteng ibon na bumungad sa kanila. Hindi nila inaashang makita ito as ganoong oras kaya labis nilang ipinagtaka ang pagsulpot nito.
"Tsk! Hindi dapat natin iniwan sina Edwin roon." usisa ni Samantha. Kasalukuyang nag su-summon ng ilang halimaw si Ashton upang labanan ang higanteng ibon, habang si Siasca ay ginagamit ang enerhiya para tumulong.
"Aaaaarghhhhh!!!" malakas ang atungal ng ibon na nagpahangin ng kanilang buhok na tila isang malakas na blower. Napapikit pa ang kanilang mga mata upang iwasan ang hangin na tumatama sa mukha nila. Ang halimaw na ito ay isang uri ng rogue. Ito ay nilalang na gumagala as loob ng gubat.
Walang sinabi ang guro nila tungkol sa nilalang na ito, hindi rin nito sinabi as kanila na maaring makasalubong nila ang iba't ibang uri ng halimaw. Pero sa lilib at tagong lugar lamang ito matatagpuan. Naisip rin ni Siasca na ilang oras na ang nasasayang bago matapos ang kanilang aktibidad.
"Its a good thing na wala sila rito, dahil paniguradong kailangan pa natin silang iligtas.." ani Ashton. Naglabas siya ng isang spell para tamaan ang halimaw ngunit mabilis na nakalipad ang ibon para iwasan ang mga atake nito.
"Lets split apart, bantayan niyo ang bawat sulok para madali natin siyang maatake!" suhestiyon ni Siasca sa kaniya ng mga ka-miyembro. Mabilis siyang humakbang pabalik at inihanda ang sarili para sa pag atake ng higanteng ibon. Sinunod naman ng dalawa niyang ka-grupo ang utos niya at umamba para sa susunod na hakbang ng ibon.
Lumilikha nang malakas na pagkayanig ang yapak ng ibon sa lupa dulot ng laki nito. Ipinagaspas nito ang higanteng papak nito na lumikha ng malakas na hangin at nagpatumba sa direksiyon ni Samantha. Hindi kaagad naaksyonan ni Ashton at Siasca ang pangyayari dahil apaektado rin ang kanilang paningin ng malakas na hangin.
Napayuko sina Ashton at Siasca nang lumipad ang ibon paikot sa lugar na iyon, lumuhod sila sa lupa para iwasang mahagip ng ibon ang kanilang mga ulo. Nang lumanding ang ibon sa isang bahagi ay naisipan na kaagad ni Ashton na tumayo at gumawa ng isang atake.
"Estridge summon attack!" lumitaw ang kulay asul na summoning circle sa ilalim ng kaniyang mga paa, umakyat ito hanggang sa ulunan niya. At mula sa isang bahagi ay lumabas ang isang uri din ng halimaw na isi-nummon niya. Isa naman itong higanteng Leon na may pakpak. Matulis ang mga kuko at nakakasindak ang aura nito.
Nagsimula nang sumugod ang halimaw na isi-nummon ni Ashton patungo sa higanteng ibon ngunit maliksing kumilos ang ibon at mabilis na naiiwasan ang mga atake nito. Tumayo na rin sa kanilang puwesto si Siasca at Samantha na nagbabalak na ring gumawa ng atake.
"Siasca, Samantha, atakihin niyo na habang dini-distract siya ni Estridge!" utos ni Ashton sa dalawa. Tumango naman ang mga ito at inihanda na ang sarili para sa gagawing pag atake. Nagsimulang magbago ang wangis ni Samantha bilang lobo. Itim na puti ang kaniyang balahibo, at asul ang mga mata.
Tumungo ang ibon sa direksiyon ni Samantha at bigla siyang hinablot nito saka sinama sa pag lipad. Napadako ang atensyon ni Ashton sa gawing iyon. "Oh shi-si Samantha!" nilingon niya si Siasca. "Hawak niya si Samantha.."
BINABASA MO ANG
UNRIVALED!
Fiction généraleSo, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then maybe you should get stronger.." un·ri·valled \ˌən-ˈrī-vəld\ : better than anyone or anything else: having no rival: incomparable, supreme ...
