MATAPOS ang kanilang klase ay naisipang dumiretso ni Eugi at Sheiko sa bahay ni Neo para dalawin ito. Hindi kasi nakapasok si Neo dulot ng matinding karamdaman niya ng mga oras na iyon. Mabuti nalang at kabisado ni Sheiko ang daan papunta roon kaya madali nalang sa kanila na puntahan ito.
Huminto ang kanilang sinasakyan at ibinaba sila nito sa tapat ng isang napakalaking bahay—mali, kun‘di isang mansyon dahil sa laki at lawak nito. Ilang beses ng nakapunta si Sheiko dito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maiwasang humanga sa t’wing pumupunta dito. Maging si Eugi ay napahanga sa ganda at laki ng bahay ni Neo.
“Mayaman pala si Neo..”
“Oo, high profile ang mga Esmallaner dito sa bansa.. Ang pagkaka-alam ko herited ang yaman nila, hindi sila nouveau riche kasi ‘yung lolo ni Neo dating nagtatrabaho sa gobyerno bilang sorcerer..”
“Mm..”
“Hindi halata no? Haha, hindi mo naman kasi talaga mapapansin kay Neo na mayaman siya, e.. Ayaw niya ring ipagyabang ‘yun kasi baka lapitan lang siya ng mga kaklase natin dahil ‘dun.”
“Big time rin ‘yung mga classmate natin?”
“Oo, pero kilala mo naman yata ‘yung mga ‘yon.. Iba sila sa ‘min ni Neo, kasi pinipili nila ‘yung mga magiging kaibigan nila.. kailangan nakakasabay ka sa mga trip at gastusin nila.. Eh kung poor ka sa paningin nila, hindi ka na nga kakaibiganin, i-bubully ka pa.. Ganda ‘di ba? Gan’yan ang mga estudyante ng Blue Haven..” nakangiwing paliwanag ni Sheiko habang naglalakad sila papalapit sa malaking bakal na gate. “Akala ko nga ‘nung una ako lang ‘yung matinong immortal sa Blue Haven, ‘yung tipong hindi nanghuhusga ng status at posisyon ng mga estudyante pero ‘nong makilala ko si Neo kaagad ko siyang nakasundo kasi pareho kami ng prinsipyo..”
BINABASA MO ANG
UNRIVALED!
General FictionSo, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then maybe you should get stronger.." un·ri·valled \ˌən-ˈrī-vəld\ : better than anyone or anything else: having no rival: incomparable, supreme ...