~•~•*•~•~
CHAPTER 4
Will you be our friend?Pillar..
Ito ang tawag sa pinaka-superior o 'Legendary' student ng Blue Haven. Ang sinomang estudyante na magdadala ng titulong ito ay isang hinirang na makapangyarihan at nagrere-presenta ng buong academy. Ngunit, hindi 'din ganon kadali makuha ang titulong ito dahil para maging isang Pillar ay dumadaan muna ang estudyante sa napaka-hirap at habang pagsubok.
Sa loob ng limang dekada ay isa palang ang nagsusuot ng titulong ito sa Blue Haven. Naniniwala ang mga naging Headmasters at Headmistresses na ang estudyante na karapat-dapat na maging Pillar ay may kakaibang aura na binibigay at dapat ay mula rin sa kilala at makapangyarihan na pamilya. Ang goal na maging pangalawang Pillar ay hindi nawala sa isip ni Ceref simula nang siya'y naging estudyante ng Blue Haven. Aktibo siyang sumasali sa mga activities o competition para mahasa pa ang lakas niya at walang makakapigil sa kaniya.
Pero..
Hindi gano'n kadali ang gusto niyang makuha. Marami siyang mga ka-kompetensya, at isa na roon si Zwei, ang Alpha ng Guardian unit. Nakikita niya ito bilang isang malaking karibal sa pag-angat niya. Ito lang naman kasi ang number one student sa ilang charts, bagay na ikinabahala niya dahil walang kahirap-hirap siya nitong nau-ungusan. Hindi pa man ito pumapasok ay nasisigurado niyang masisira na naman ang araw niya kapag nakita ito.
"Sorry for suddenly bringing you here. Ngayon ko lang rin natanggap 'yung message ni Chairman regarding sa mga naka-schedule na events. Unfortunately, mau-usog ng mas maaga ang tournament because of sudden changes." Halatang problemado si Headmistress habang kausap si Ceref. Nabago kasi ang mga schedule na ibinigay ng chairman sa kaniya. Dapat ay maaga ang dating ng mga Alpha para asikasuhin ang kanilang hawak na unit, pero hanggang ngayon ay hindi pa sumusulpot ang apat na Alpha ng units.
"Okay ma'am, I'll rearrange the plans." sagot niya dito.
"The thing is, this was a sudden decisions. Mahihirapan ang mga students na i-try ang qualifier exam para sa tournament. There will be three stages that they need to consider. Agility, Spirit and Strength." paliwanag ng headmistress sa kaniya. "We can say that the standards for criteria change. Mas kailangan nating makasigurado na fit to battle ang contenders."
"I understand, but how would they take the test?"
"I will leave that responsibility for all the Alpha's. Unfortunately, na-urong 'din ang arrival ni Zwei next month, because he had to deal with his upcoming international battle. He's an exception for this."
'Tsk, kahit h'wag na siyang bumalik..'
"When could we announce this?"
"Probably next week, early as possible. May hinahabol tayong oras, you need to inform all the units regarding this change." usisa ng headmistress bago sumandal sa kina-uupuan at kuhanin ang teacup sa ibabaw ng lamesa para sumimsim. "Remember, only the students with great spirits could enter the tournament. Ayokong makakita ng daga sa battlefield. I'm expecting more from you Alpha. You can go, thank you Ceref."
"Thank you, ma'am." ngumiti si Ceref at mabilis na yumuko para umalis. Nang makatalikod, mabilis na naglaho ang ngiti sa kaniyang labi at napalitan iyon ng masamang ekspresyon. Sumama bigla ang mukha niya. Hindi niya gusto ang balitang ito, dahil paniguradong sa kaniya na naman mapupunta ang expectation ng lahat. Damn.
"What's the business all about?" salubong ni Vix sa kaniya paglabas ng office. Napansin nito ang masamang ekspresyon sa mukha niya. "Bakit mukhang badtrip ka?"
BINABASA MO ANG
UNRIVALED!
Fiction généraleSo, you think you're the strongest? Well.. Then maybe you haven't met her.. "If you want a real battle, then maybe you should get stronger.." un·ri·valled \ˌən-ˈrī-vəld\ : better than anyone or anything else: having no rival: incomparable, supreme ...