Prologue

16 0 0
                                    

                                                                                  -Barmi-

Naglalakad ako sa aisle ng simbahan suot ang damit pangkasal. Ikakasal na ako? Totoo ba ang lahat ng ito?

Hindi ko maninag ang mukha ng lalaki na nag-aantay sa akin sa unahan ng simbahan. Umaagos ang luha ko kasabay ang malamlam na tunog ng choir. Sobrang unexpected ng lahat.

Nakikita ko sila mama na may hawak ng panyo at umiiyak.Katabi nya sila ate at papa. Kailan pa sila bumalik? By the way,bakit ang liwanag ng lugar? Para naman ihahatid ako nito sa hantungan e.

Pinipilit kong maaninag ang mukha ng aking makakasama. Nakasuot sya ng formal attire as usual kapag ikakasal. May paunti unti akong nakikita sa bawat hakbang ko. Minsan yung pink na lips.

Minsan yung bored eyes.

Minsan yung hair. Pero hindi ko pa din mafigure out ang full asset nya. Base sa mga nakikita ko paunti-unti,gwapo ang mapapangasawa ko. Putcha swerte naman ng anak ni Mercy at Jored!

Nagmadali na ako sa paglalakad para makita ko na agad ang mapapangasawa ko pero biglang may malakas na pagsabog ang nangyari sa labas ng simbahan.

Nagpanic ang lahat pero ako,nanatili lang akong naglalakad papunta sa altar. Chance ko na 'to Myfriend. Matagal ng tigang ang Barmi nyo. Kaya patusin na natin 'to.

Barmi! Sigaw ng pamilyar na boses ng babae.









"BARMI!" Nabalikwas ako sa aking upuan.

" Wait lang! HIndi pa ako nahahalikan ng mapapangasawa ko" Pagkalabas ng mga salitang yun sa bibig ko ay tsaka ako natauhan na panginip lang ang lahat at nasa room ako ni Ms. Dingal. Putcha nakakahiya!

Naririnig ko ang tawanan at bulungan ng aking mga kaklase sa gilid,sa unahan at sa likod.

"Ms. Pentoza natulog ka na naman sa klase ko!" Lalapit na sa akin si Ms Dingal para bigyan ako ng pingot sa tenga pero agad kong kinuha ang mga gamit ko at nagtatakbo palabas ng room.

"Barmi Pentoza!" Nakatigil ako sa English Dept. Room sa building ng G9-G10 nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Ms. Dingal. Inassure ko na walang tao sa loob ng English Dept room at awa ng Diyos ay wala naman. Hays.

Bumalik na ako sa girls dorm at natulog na lang muli sa aking kwarto. Baka sakaling matutuloy ang 'kiss the bride' achuchu.

Dardarsham VillageWhere stories live. Discover now