30

6.1K 101 1
                                    

THIRTY

Clouie's POV

MAINIT...

'Yan ang nararamdaman ko sa ngayon. Mula sa dibdib ko dumadaloy patawid sa mga braso... sa palad... miski sa binti at hita.

Ang init...

Sobrang init

"AAAAHH!" Agad akong napabalikwas sa pagbangon at kinuha kung ano mang maabot ko. Gulat ako nang wala lang trenta-segundo mula nang magising ako ay may naaamoy na akong sunog.

At galing yon sa mga...

palad ko?

Hindi pa ako nakakapag-adjust mula sa pagkalito ay nakita kong bumukas ang pinto na iniluwa si Kyte habang nakalagay ang braso sa bewang ni Kristtel at kasabay ng paglaki ng mga mata nila ay ang pagpatak ng mga abo sa sahig mula sa palad ko na kanina lang ay buong-buo.

Kasabay nang bahagyang paggalaw nila palapit sa akin ay ang pagbaba ng paningin ko sa kung gaano sila kadikit. Hindi ko rin napigilan na tumaas ang isang kilay nang mapansin ang kamay ni Kyte sa bewang ng kaibigan ko.

Hindi pa man ako nagsasalita, alam ko nang napansin nila ang tinitignan ko. Humiwalay sila sa isa't isa at tinawag ang atensyon ko.

"Clouie..." rinig kong tawag ni Kyte at lumayo ng kaunti kay Krisstel. Tunog siyang nag-aalangan, may mali ba? Anong mayroon?

Tinititigan ko siya. Kinakapa ko kung may mali ba talaga o kathang-isip ko lamang iyon. Nakipaglaban naman siya sa titig ko kaya ako nalang din ang umiwas. Kahit siguro anong mangyari, hindi parin ako uubra sa lakas niya, nilang apat. Sino ba naman ako?

"Bakit? May problema ba?" diretsong tanong ko. Hindi rin nakatakas sa paningin ko kung paano siya lumunok sa kaba.

"Kyte, m-mamaya nalang siguro? Kapag ano... kapag n-nandito na lahat?" nangunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi ni Krisstel. Mas lalo akong nagtakha. Anong meron?

"Why not now?" I asked.

May iba talaga eh. I can feel it.

Ramdam na ramdam ko ang awkwardness ng atmosphere naming tatlo. Hindi ko rin alam paano matatanggal 'yon at wala akong plano alisin.

"Tell me." nagkatinginan sila nang sabihin ko 'yon. Para bang nag-uusap sila nang hindi nagsasalita.

"Clouie, ano kasi-" hindi na nila natuloy ang sasabihin nang biglaang bumukas ang pinto at iniluwa si Aiden na mabibilis ang kilos na yumakap sa akin at hinalik-halikan ang buhok ko.

"Hey, are you fine already? May nararamdaman ka ba? Nahihilo? Nasusuka? What?" napatulala lang ako dahil mas lalo akong nabigla sa inasal niya. Teka lang, hindi pa ako nakakapag-adjust sa mga nangyayari. Hinay-hinay lang, please. Isa-isa lang sana?

"Clou? Hey Clouie." sabay hawak sa mga pisngi ko. "Do you still remember who am I?" natatarantang saad niya.

"Fuck this." bulong niya pa.

Napangisi naman ako. Siguro nauso ang salitang OA nung maipanganak siya? ang OA niya, eh.

Napahinto naman ako sa pagtitig sa kaniya nang may bigla akong maisip. Wala pa man din ay natatawa na ako.

"Who are you? Boyfriend ba kita?" pag-arte ko sa kaniya. Nakita ko kung paano siya magtakha, ganoon din sila Kyte at Krisstel.

"U-uy?" tapik ko pa nang mapansing hindi na siya gumalaw, miski pikit. Literal na nakatitig lang sa akin.

"Fvck!" saad niya bago napayakap sa akin. "Shit, no no no. Wala naman silang sinabing magkakaganyan ka eh, please, no..." napahinto ako nang mas yakapin niya ako. Siniksik niya pa ang ulo niya sa leeg ko... hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pagbasa doon.

Umiiyak ba siya? Bigla akong na-konsensiya. Ano ka ngayon, Clouie? ginusto mo 'yan, kaya panindigan mo!





Kristtel POV

Nagkatinginan kami ni Kyte when she said those word. Wala talagang sinabing ganon, tama si Aiden... pero posible ba?

Hello, nawalan lang siya ng malay, hindi naman siya nabagok or what. Isa ring OA 'tong si Clouie, eh. Bagay nga sila ni Aiden.

Alam kong gaya ko, naguguluhan na rin ng sobra si Kyte. But unlike him, I won't buy Clouie's pretentious act. I know her very well and right now I can tell na nagpapanggap lang siya. Hindi ko nalang sigurado kung anong dahilan.

"Tingin mo, seryoso si Clouie? Hindi niya na ba talaga kilala si Aiden?" hindi ako sumagot. Tumitig lang ako kay Aiden na nakayakap na ngayon kay Clouie.

Ilang segundo ring natahikik ang paligid hanggang sa marinig ko na naman ang boses niya.

"Kawawa naman tropa ko. Kapag ako nakalimutan mo, iiyak ako." saad niya bago tumawa ng bahagya. "No joke. Sakit no'n." hindi ko ulit siya pinansin.

Muntik na ako mapatawa nang malakas noong makita ko kung gaano na nakokonsensya si Clouie dahil sa kalokohang sinimulan niya. I just sigh when I realized what I am about to do.

"I'm not sure but I think Clouie's being serious right now."

Thank me, you brat that I love you! First time kong magsisinungaling kay Kyte because of you.

Argh! Hanggang saan ba aabot ang pagkakaibigang ito? Pasalamat ka talaga mahal kita Clouie!











-

author: please save me from being stress sa acads. give me some inspiration naman para matapos na pag-eedit ng book na 'to, tipong follow, comment, or add lang sa library/reading list niyo. trust me, guys, nakaka-inspired talaga hihi!

love u, shantinians!

ADIANS ELEMENTAL ACADEMY (AEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon