THIRTY-FOUR
Izzy's POV
"Who are you?!" agad akong lumayo sa kanya at doon ko lang namalayan kung nasaan kami. What? Bakit niya ako dinala dito?
Nandito kami ngayon sa garden ng school. Sino ba siya? at bakit niya ako dadalhin dito?
"You don't know me?" nakakunot-noo niyang tanong.
Obvious ba?
"Do you think I'll asked if I know?" inirapan ko siya. Hindi pa ako tapos malungkot ngayon at kung pinadala na naman siya para pahirapan ang araw ko, tingin ko hahayaan ko nalang siguro siya... pagod na ko.
Ang haba ng araw ko.
"Tsk, sungit." rinig kong bulong nito na hindi ko pinansin. "Dumalaw kasi ako sa kuya ko but then I saw you at the staircase crying that's why I decided to bring you to here." nakangiting saad nito na tila proud na proud pa sa naisip niya. Inirapan ko lang.
"Dinala kita dito dahil nakakagaan ng loob ang atmosphere dito tsaka na wala pang masyadong tao. Kaya if I were you, go, shout your side, shout what you want... ilabas mo ang lahat." hindi ko alam pero imbis na mainis sa sa sinabi niya o sabihing masyado siyang FC as in feeling close ay naluha pa ako at nakaramdam ng pasasalamat sa kanya.
Naikuyom ko ang mga palad ko at bumuntong hininga. Tingin ko okay lang naman yun diba?
"Nakakanis ka! Nakakainis ka Skie! Alam mo bang may binalikan lang ako?! May binalikan lang ako sa dorm namin dahil naiwan ko ang regalo ko sayo para sa 1st Monthsary natin! Habang papunta ako sa dorm someone blocked my way at muntikan pa akong pagsamantalahan!" At unti-unti na namang bumabalik ang mga ala-ala, so fresh that it creeps me out and makes me emotional again.
"A-Alam mo bang tinakot ko lang siya sa pamamagitan ng pagsabing boyfriend kita?! Andaming nangyari pero hindi ko pinansin yung takot ko! Hinayaan ko at pinagsawalang bahala dahil iniisip kong naghihintay ka! Ikaw... ikaw lang naiisip ko lahit nasa ganoong lagay ako."
"Pero anong naabutan ko? Anong nakita ko!? Mga kalandian ninyo?! Yung panloloko mo? HAHAHAAHAHAHAHA bakit ganon? pinlano mo ba lahat?"
Plano mo bang saktan ako?
Hindi ko nanaman napigilan at napaiyak nanaman ako, no, hagulgol na pala, hindi lang basta iyak. Bakit ba kasi ang sakit?! Ang sakit-sakit eh...
"Tapos wala ka—" diko na natuloy ang sinasabi ko nang may maramdamang yumakap sa bewang ko at ipinatong ang baba niya sa balikat ko kaya napatingin naman ako sa kanya.
Napahinto ako kasabay ng pagkabog ng dibdib. Pagsasamantalahan din ba ako ng lalaki?!
"Sorry." umikot ako at tumingin naman siyang mabuti sa mata ko. "Sorry for hurting you... sorry for cheating. I'm so sorry for... for not trusting you." nakita kong nangilid ang gilid ng mata niya kaya umiwas siya ng tingin.
"Please forgive me." hindi na siya nakatingin sakin bagkus duon na siya nakatingin sa harapan pero ako, nakatingin pa rin sa kanya.
Patawarin? Ha! nagpapatawa ba siya? After all those hurting, forgiven nalang? Ganon-ganon lang?
Did I deserve that kind of treatment?
"Nagselos lang ako..." napakunot ang noo ko at napatitig sa kanya. What?
"H-ha? Kanino? Saan? Kailan?"
"Doon sa lalaki." nanlaki ang mata ko. Nagselos siya sa taong manggagahasa sana sa akin?
"Anong klaseng dahilan yan?" napatitig siya sa akin. Wala siyang sinabi pero ang mga tingin niya ay tila sinasabing, "I know right. Sorry."
"Bakit hindi mo ako nilapitan? Kung lumapit ka sana... mas gumaan lahat. Nalaman mo ang lahat." Hindi mo sana ako lolokohin... gusto kong sabihin ang dulo pero hindi, hindi naman yun ang dahilan kaya siya nagloko.
Simula noon ay naniniwala na akong cheating is a choice.
"Walang kwenta ang dahilan mo, Driex. Nagselos ka kaya ka nagloko? Kung ako ba magselos at halikan yung lalaking 'yon ano ang mararamdaman mo?" nangunot ang noo nang sundan niya ng tingin ang tinuro ko. Seryoso ang mga mukha niya.
"Shawn?" seryoso pero mahihimigan ng pagkagulat ang pagkasaad niya.
"Hi, kuya!" mataas ang energy na sagot ng lalaki. Ngiting-ngiti pa na tila walang awkward sa atmosphere namin ngayon.
Pero ano daw?
'K-kuya?' tanong ko sa sarili ko at nagsalit ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Yes, we're brothers." seryosong saad ni Driex na nakatingin na pala sa akin. "And don't you even dare to kiss him because you're mine, your lips are mine, you're all mine. Understood?"
"First of all, I'm not an object for you to own. Second, wala nang tayo. I'm single, I'm free, I can do whatever I want! Kaya don't act like you love me with all your heart when you just cheat on me while I'm there feeling so much fear that I'm almost getting rape by someone. Please, Skie. Do me a favor and don't act like you're still my boyfriend."
Wala siyang sinabi at tumitig lang sa akin. "Still, don't dare to kiss others if ayaw mong unti-unti mabawasan ang mga tao rito, especially mga lalaki."
Kapag ikaw pwede?
"Wala kang karapatan." irap ko sa kanya.
Wag mo kalilimutan paano ka saktan ng lalaking 'yan, Izzy!
How dare him spill those things na parang ako pa ang masama? Na h'wag ko raw susubukan halikan ang iba?
Sino ba siya?
-
author's note: sheesh! grabe yung pag-eedit ko sa chapter na 'to, skl. pero guys, continue to read and understand that this story is not yet perfect and still in need a lot of edits. yun lang, buh-byes!
BINABASA MO ANG
ADIANS ELEMENTAL ACADEMY (AEA)
Ficção GeralHighest Ranking : #680 over 27.65k stories in Fantasy. The only question is, Are you ready to face the Pitfall? Because you are ENTERING THIS ACADEMY. WHERE THE HELL IS RELATED, WHERE YOUR LIFE COULD CHANGE or I should say MUST CHANGE. AND SCHOOL...