THIRTY-EIGHT
Clouie's POV
TULALA akong nakatitig sa lalaking nakaluhod ngayon sa aking harapan.
Matapos sabihin ni Dean kanina na nagmamadali sila ay biglang namatay ang mga ilaw na nasa paligid namin at napalibutan kami ng walang iba kundi kadiliman.
Naputol ang kadiliman na iyon nang dahan-dahan may nagbukas ng maliliit na ilaw... mala-alitaptap sa paligid. Maliliit ngunit mararami, sapat para palinawagin ang paligid.
Ang romantic ng advice.
Busy ako sa pagtingin sa mga ilaw dahil sa sobrang hanga nang mapadako ang paningin ko sa dulo ng hallway na kinatatayuan ko. Nandoon si Aiden at... nakatayo.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero para akong napako sa semento nang dahan-dahan siyang naglakad palapit sa pwesto ko.
Nang makatayo ito sa harapan ko ay ngumiti ito sa akin, ibang klase ng ngiti ang ibinibigay sa akin.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko pero hindi ako natatakot... natutuwa ako. Umaapaw ang masasayang emosyon sa dibdib ko na tila kakawala sila anumang oras.
Ang akala ko wala nang mas mailalala ang damdamin ko... meron pa pala dahil mas matindi ang naramdaman ko nang dahan-dahang bumababa ang tuhod niya sa semento.
Lumuhod siya...
TULALA akong nakatitig sa lalaking nakaluhod ngayon sa aking harapan.
Parang nagkaroon ng slowmo nang panandalian ang buhay ko, parang nawala ang ingay ng paligid at tanging mga tibok lang ng puso ko ang nagsisilbing musika ng lahat.
Parang ako at siya lang ang tao...
"Did you miss me?" he asked na ikinailing ko lang. Wala pa ngang 24hrs paghihiwalay namin?
But yeah, I miss him... so much.
Nilibot ko ang paningin, nasa kanang parte sila Ash kasama ang mga kaibigan niyang sina Shawn, Jazhy, at si Calvin na hindi ko napansing nakaalis na pala sa tabi ko at nakapagpalit pa. May mga hawak silang lahat na instrument ngunit si Shawn at Ash lang ang tanging nakatapat sa mic, nasa drums kasi si Calvin at nasa keyboard naman si Jazhy.
Nasa kabilang parte naman ang mga kaibigan ko kasama ang mga boyfriends nila. Magkakasama ang mga ito sa iisang table at nakangiti habang nakatingin sa amin. Nag-thumbs up pa nga sa akin si Yvonne na ikinailing ko nalang.
"Anong ganap 'to?" tanong ko sa kanya. Hindi niya 'yon pinansin.
Inabot niya ang dalawa kong kamay saka niya ito hinalikan. Ewan ko kung guni-guni ko lang pero nakita kong nanginginig siya.
Natatakot ba siya?
Kung hindi ko lang siya kilala baka maniwala pa akong kinakabahan siya pero hindi eh, siya si Aiden. Napakaimposible.
"Clouie..."
"Hmm?"
"I know na naging mabilisan ang nangyari sa atin, especially sa relasyon natin..." sandali siyang bumuga ng hangin. "Pero gusto ko na kuhanin ang loob mo at tanungin ka formally."
"Inimbitahan ko ang mga taong mahalaga sa atin bilang witness sa kung gaano kita kamahal."
"Sa'yo ko lang naramdaman 'to, Clouie. Thank you for making me feel how I deserve to feel love even though I thought that I am not worthy of it. Thank you because you exist." narinig namin na nagpalakpakan sila.
"That's why, once again... I, Aiden Vergara asking you, Clouie, to be my girlfriend forever." may inilabas din siyang singsing na may minimal lang na diamond sa gitna.
Forever?
Natawa ako na kinilig sa huling sinabi niya pero sinagot ko naman din.
"Of course!" I said making him jump proudly.
"Yes, thank you! Thank you, baby!" then he hugged me.
Nothing can beat this happiness I'm feeling right now.
Nang mapatingin sa pwesto nang mga kaibigan ko ay sabay-sabay nilang ipinakita sa akin ang mga kamay nilang... may sing-sing din!
Woah!
They proposed to them too!?
Oh my God!
So proud!
Sa sobrang tuwa ay nayakap ko ng mahigpit si Aiden at hindi na napigilan ang mapahikbi.
Natutuwa ako hindi lang dahil sa akin but also because of my friends... they deserved to be love and they deserve to love.
"I love you, Clouie Joyce Amigas."
"I love you, Aiden Kurt Anesco."
-
author's note: what if mamatay nalang ako bigla dahil sa sobrang bitter ko? char!kailan kaya ako magkakaroon ng isang Aiden? meron ba n'yan sa shopee, pa-order nga libre ko na kayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/143296891-288-k717718.jpg)
BINABASA MO ANG
ADIANS ELEMENTAL ACADEMY (AEA)
Ficção GeralHighest Ranking : #680 over 27.65k stories in Fantasy. The only question is, Are you ready to face the Pitfall? Clouie with her friends planned to bond with the unexpected place that someone could guess, especially they are all girls.When unexpecte...