27

6.1K 121 3
                                    


TWENTY SEVEN

Clouie's POV


Rooftop. Dito niya ko dinala matapos hilahin palabas doon sa opisina kanina. Okay din naman, mas okay dito.

Parehas kaming nakaupo sa gilid at hinahayaang nakalaylay ang paa, may railings naman na nakarang sa harapan namin at kampante akong sumasandal dito dahil alam kong hindi kami mahuhulog.

Maganda ang simoy ng hangin dahil sa mga puno. Maganda din ang atmosphere ng paligid dahil sa mga iba't-ibang uri ng ibong nagsisiliparan sa paligid.

Kung mayroon mang mali,  iyon ay ang katahimikang namamayani sa amin. Walang nagsasalita. Ayoko rin namang pangunahan dahil ramdam ko ang kakaibang mood niya simula nang lumabas kami.

"Aiden, pwede magtanong?" pero hindi ko kayang magtiis sa katahimikan... argh!

"Spill it."

"Why did you call the dean, Lil Brat?" I asked him. Natigilan naman siya at tumitig sa akin nang halos isa hanggang dalawang minuto.

At nang akala ko may matinong sagot akong makukuha sa kanya? Ha, umasa lang ako.

"None of your business." bumagsak ang mga balikat ko bago umirap sa kanya atsaka padabog na tumayo.

Babalik nalang ako sa kwarto namin at baka mas maganda pa kung itutulog ko 'to. Kaysa dito, nagsasayang na nga ako ng oras, wala pang kuwenta sumagot ang kausap ko.

"Where are you going?" narinig kong tanong niya kaya nilingon ko naman siya.

"Sa lugar na walang Aiden na nage-exist." saad ko at umirap uli sa kanya saka nagpatuloy na sa paglalakad.

"Go back or else." napatigil ako nang maramdamang nagbago ang ihip ng hangin sa paligid... maski ang boses niya. Mas sumeryoso siya at sobrang talim na ng mga titig.

Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko sa tuwing sinasalubong ko ang tingin niya na kalauna'y iiwasan ko din dahil hindi ko kinakaya ang bigat.

But who cares? I just shrugged my shoulders off at tumalikod sa kanya. Go back your face, pwe!

Nagpatuloy muli ako sa paglalakad ngunit nang makarating sa pintuan pababa sa rooftop at hahawakan ko na sana ang doorknob  nang may tumalsik na parang metal dito dahilan upang dumikit at ma-locked.

WHAT THE! NA-LOCKED!

Ilang beses kong sinubukang buksan ang pintuan at ilang beses ko rin inikot-ikot ang doorknob, nagbabakasakaling mabuksan ito. Napagod na rin ako kakahampas at hila ngunit walang nangyari kundi ang mapagod ako.

Humihingal na sinandal ko ang ulo sa pintuan at napahinto nang may ma-realized. Masamang tinignan ko ang kasama ko at sumugod sa direksyon niya.

"You freak, open this door!" akmang susuntukin ko siya nang mabilis siyang nagpalit nang puwesto kaya't hinabol kong muli.

"Buksan mo na ang pinto!" I shouted, panting.

"What if I won't?" humakbang siya patalikod at lumaki ang ngisi. Mabilis siyang nagpapalit-palit ng puwesto, naglalaho at biglang lilitaw nalang sa ibang parte ng lugar kaya napapikit nalang ako.

"What if I won't hmm... what will you do?" dumiin ang pagkakagat ko sa aking labi nang maramdaman ang hininga niya sa batok ko.

"Just stop this shit, Aiden. Open the door." nagpipigil na saad ko, hindi ko alam pero parang may kuryenteng dumadaloy sa loob ng mga braso ko papunta sa mga palad ko na parang gusto kumawala.

Ramdam ko ang init na mula sa dibdib ko... nanginginig na rin ang mga kamay ko sa nararamdamang kakaibang init sa kaloob-looban.

"I won't" mariin pa ring saad niya at hindi ko na napigilan pa.

"Open the door! Ah!" ginamit ko ang mga kamay ko para itulak siya at tinutok ang mga palad pwesto niya, making me see my own hands burning with fire.

Buti nalang at nakaiwas siya dahil kitang-kita ko kung paano maging abo dahil sa apoy dulot ng palad ko ang pintuang kanina lang ay hindi ko kayang mabuksan.

Kasabay nang paghingal ko ay ang pagkaramdam ng kaguluhan. P-paano? Bakit? Anong nangyari... ano ito?

"Clouie..." I heard his baritone voice calling my name but that doesn't caught my attention. Ramdam ko pa rin ang kakaibang init na gustong kumawala sa katawan ko... mula sa binti umaakyat siya hanggang t'yan at hanggang lalamunan na ngayo'y umaakyat na ang init sa mata ko...

"Clouie!"

Nang hindi ko na mapigilan ay agad kong tinutok uli kay Aiden ang palad ko. Ngunit hindi ko ba alam kung ikatutuwa ko ang sumunod na pangyauari o hindi.

Pumunta siya sa likudan ko at kinuha ang braso ko bago inikot paharap sa kaniya, ang mga palad ko'y tinutok niya pataas kaya doon dumiretso ang mga apoy na patuloy pa rin lumalabas habang siya'y siniil ako sa isang malalim na halik.

Ngunit dahil na rin yata sa sobrang pagod ay unti-unti nang nandidilim ang paligid ko at nawalan ako ng malay.









ADIANS ELEMENTAL ACADEMY (AEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon