THIRTY-SIX
Clouie's POV
Iika-ika akong maglakad palabas sa classroom. Nasa iisang klase lang kaming walo, nung una nagkagulatan at nagkatakhaan pa pero ang explanation namin ay halos pare-pareho lang, na dito raw sila dinala ng mga boyfriends nila nung first day at ganoon din naman talaga ang dahilan ko.
Medyo napaisip nga raw sila nang pumasok noon si Aiden at hindi ako kasama. Ayon naman yung araw na napunta ako sa principal office, yung naka-usap ko pa yung si Ms. Sungit na ate pala ni Aiden.
"Hey miss, are you okay?" napatingin ako nang marinig ang boses ng isang lalaki na kinakausap ako. Napansin niya atang hirap na hirap ako sa paglalakad.
Wala kasi akong kasama. Inutusan sila Izzy at Kristtel ng teacher namin kanina, si Yvonne at Lee naman may importante daw na gagawin. Si Aiden ay absent.
Hindi ko na sana papansinin nalang yung lalaki pero parang nakilala ko siya. Tinitigan ko pa siya ng kaunti at napangiti ako nang makilala ito.
"Ash?" tanong ko, kinukumpirma kung siya ba ito.
"What's up?"
"Ikaw nga! Teka, kaklase ba kita?" tanong ko, parang hindi ko naman siya napapansin dito. Umiling naman siya sakin habang nakangiti.
"Sa 2nd floor kaming mga 2nd year." saad niya, tinuro pa yung 2nd floor na nasa baba.
"Eh, ba't nandito ka?" tanong ko.
"May ipinagbilin kasi sa'min, eh." tumango nalang ako at hindi na nagsalita. Inayos ko na rin ang sarili para makapaglakad na ulit, inalalayan naman niya ako.
Pero napahinto rin ako nang mapansin ang mga lalaking nasa likuran niya. Kinabahan naman ako bigla.
"Sino sila?" nahalata niya ata ang kaba sa boses ko bago tinignan kung saan nakatingin ang mga mata ko.
"Ah," huminto siya kaya napahinto rin ako. "Mga kaibigan ko sila. Let me introduce you to them."
"This is Jazhy." tinuro niya yung mestisong lalaki, medyo wavy ang black na buhok at naka-bangs. Mukha siyang korean dahil sa kinis ng balat at singkit na mata, lalo pa dumagdag sa attractiveness nito yung chubby and rosy cheeks niya.
"Kuya Kyte's neice." ngumiti naman siya sakin na ginantihan ko.
"Tito mo si Kyte? Yung member ng Knight Black Gang?" paninigurado ko pero pareho lang silang tumango.
"Ito naman si Shawn, Kuya Skie's brother." ngumiti rin ako sa kanya. Kasalungat ng itsura nung Jazhy, blonde ang buhok ni Shawn at mapapansin talaga binata ang matangos na ilong nito at ang panga niyang very sharp. Para siyang hollywood actor, dagdag pa yung red lips niya na halata namang natural lang.
"At ito naman si Calvin." nangunot ang noo ko nang ituro niya yung lalaki sa dulo. May kahawig siya...
"Kapatid mo si Aiden?" hindi ko na hinintay na si Ash ang magsabi, nagtanong na ako kahit halata naman.
Kung nakakatakot na si Aiden kapag seryoso, mas nakakatakot itong si Calvin. Hawig sila ni Aiden mula sa shape ng mukha, ilong, at labi. Mata lang ang tanging sign na hindi sila kambal.
Pero kahit gaano sila magkamukha, mas pogi parin ang baby ko.
Hihi.
"Yep, tama ka. Calvin is Kuya Aid's brother." si Ash nalang din ang sumagot sa tanong ko dahil nakatingin lang sa akin yung Calvin at halatang walang balak magsalita.
Sungit! Manang-mana sa pinagmanahan.
After niyang mapakilala ang mga kasama ay nagtuloy kami sa paglalakad. Doon ko naman na-realize na parang related silang lahat sa KBG.
"Ash, ikaw ba related ka rin sa KBG?" hindi ko na napigilan magtanong.
Parang nahiya pa nga si Ash sagutin yung tanong ko, kakamot-kamot pa ng pisngi.
"Ah oo..." napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa kanya. Huminto rin tuloy silang apat.
"Totoo? Sino?" usisa ko pa.
"Si kuya Lee, pinsan ko siya."
NANG makarating sa dorm ay dumiretso akong pumasok papunta sa kitchen para kumuha ng tubig.
Pagod!
Hindi ko pa rin ma-digest na may mga relatives pala ang KBG dito.
"Oh, anong nangyari sayo?" nagulat pa ako nang biglang may nagsalita. Si Yvonne lang pala!
"I'm shock!" sagot ko.
"Huh? Nagulat ba kita, sorry."
"No, hindi sa'yo. May nalaman ako!"
"Ano yon?" bigla namang pumasok si Izzy. Basta chismis talaga ito, oh!
"Wala naman."
"Sabihin mo na." bigla ring pumasok si Kristtel.
Wow, kumpleto ang mga chismosa!
Napabuntong hininga naman ako, wala na tuloy ako choice kung hindi sabihin sa kanila.
"May nakilala kasi ako nung nakaraan nung nasa Clinic pa si Kyte, tanda niyo?" tanong ko. Sabay-sabay naman silang tumango.
"Nakita ko siya kanina nung palabas na ako ng room kasama yung mga kaibigan niya, nagpakilala sila tapos nagulat lang ako na mga kamag-anak naman pala nilang apat yung mga 'yon." saad ko na ikinalaki ng mata nila. Mga nagulat din.
"Si Ash ay pinsan ni Lee. Yung si Shawn naman kapatid ni Skie, Si Jazhy na pamangkin ni Kyte, at si Calvin na kapatid din ni Aiden."
"Woah..."
Wala rin silang naging imik dahil sa gulat.
-
Jazhy is prounouced as Ja-zi
Shawn is pronounced as Shaun
![](https://img.wattpad.com/cover/143296891-288-k717718.jpg)
BINABASA MO ANG
ADIANS ELEMENTAL ACADEMY (AEA)
Genel KurguHighest Ranking : #680 over 27.65k stories in Fantasy. The only question is, Are you ready to face the Pitfall? Clouie with her friends planned to bond with the unexpected place that someone could guess, especially they are all girls.When unexpecte...