FIFTEENClouie's
TAHIMIK AKONG sumusunod sa direksyong nilalakadan ni Miss Principal habang iniisip pa rin ang nangyari kay Kyte.
"You're thinking about Mister Ebron, aren't you?" napatingin ako sa kaniya ng bigla siyang magsalita.
Doon ko lang din napansin na titig na titig pala siya sa mukha ko. Hindi ako sigurado kung kanina pa.
"Uhm, Opo. Hindi ko din po kasi mapigilang isipin. Naging malapit na din kasi kami sa isa't-isa."
"May relasyon ba kayo?"
"Opo?" nakita kong mabilis siyang huminto at masama ang mga tingin na tumitig sakin.
"Ano kamo?" biglang nagbago ang timpla ng boses niya. Kanina ang lambing tapos bigla nalang naging tigre.
"Magkaibigan po kami."
"Is that all?" para naman siyang nakahinga ng sobrang luwag sa sinabi ko kaya tumango lang ako sa tanong niya.
"Bakit may iba pa po ba?"
Babae ako, kaya alam ko yung mukha nung babae kapag naho-hotseat sila at iyon ang nararamdaman ni Miss Principal ngayon.
"Wala naman." saad niya bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Ops wait. Dadaan pala muna ako sa Med Dept. para pumili ng mga nurses na titingin kay Kyte. Mauna ka, susunod ako." saad niya at hindi pa ako nakakapagsalita nang umalis siya bigla.
Amp.
Hindi ko kabisado 'to!
Hinayaan kong magpalakad-lakad lang muna ako kaso pagkalipas ng ilang minutong hindi ko pa din makita ang tamang daan at naging hindi na pamilyar sa akin ay kinabahan na ako.
Am I lost?
Shocks. Please, no.
O.M.G
Please, say no.
I don't know what I'll do if I were really lost.
Maiiyak na sana ako sa kalagayan ko nung matanaw ko sa hindi kalayuan na may papalakad palapit sa direksyon ko. Hinintay ko pa itong makalapit.
When he noticed me staring at me, agad siyang lumaput sakin habang nakangiti.
"Hey. May problema kaba? What do you need?" he asked me politely kaya nginitian ko naman siya.
"U-uh. I think, I'm lost?" nakita ko namang nag-formed ng "O" yung labi niya.
"Oh. You're lost?" tumango naman ako. "Saan ka ba dapat papunta?"
"Sa Clinic sana nitong school."
"Hmm, sure thing." nagliwanag naman yung mukha ko.
"Really?!"
"Yeah. But one more thing," agad ding nawala yung masayang aura ko. "Let me tour you."
"Tour me?"
"Yep. Para next time hindi kana mawala."
"Ah, okay lang naman. Kung hindi abala sa'yo."
"Of course not. Ngayon na din kita i-tour since ito lang free time ko. Ayos lang naman diba?" tumango naman ako.
"By the way, I am Lawrence Ash Montefalco and you are?"
Napatitig naman ako nung ipakilala niya yung sarili niya. Napansin ko ding bagay sa kanya yung pangalan niya. Lawrence Ash.
BINABASA MO ANG
ADIANS ELEMENTAL ACADEMY (AEA)
General FictionHighest Ranking : #680 over 27.65k stories in Fantasy. The only question is, Are you ready to face the Pitfall? Because you are ENTERING THIS ACADEMY. WHERE THE HELL IS RELATED, WHERE YOUR LIFE COULD CHANGE or I should say MUST CHANGE. AND SCHOOL...