FORTY-ONE
Yvonne's POV
TWO DAYS.
Two days na wala pa rin siyang malay.
Two days na naming hindi nakikita yung ngiti niya.
Two days na naming hindi naririnig ang boses niya.
Two days na ring walang makulit na kaibigan ang manggugulo samin.
Two days na at hanggang ngayon tulog pa rin siya at nakahiga sa hospital bed.
Iilan nalang din ang tao sa paaralang ito. Yung iba busy na sa pagtulong ayusin ang ibang building na abandunado. Pinipinturahan nila ang mga building, inaayos ang mga armchair na sira, nilalagyan ng mga board every room, nagpapagawa ng bagong building para sa mga training room.
In short, ginagawa nilang maayos na paaralan ang Adians Elemental Academy para magmukha itong normal na paaralan na pinapasukan ng mga istudyante.
Inaayos nila ito para sa susunod na taon. Oo, hindi na nakakulong ang mga istudyante dito.
Pupuwede nang lumabas ang mga istudyante kapag mga special occasion like Christmas and New year. In short, nagbabakasyon na rin sila pero dorm school pa rin siya. Bawal pa rin lumabas pag nagka-klase. Ganon pa rin naman ang rules pero medyo mas maluwag na nga lang kaysa sa dati.
Yakap-yakap ko ang unan habang nakatanaw sa bintana at pinagmamasdan ang iilang istudyanteng lumalabas ng gate na dala-dala ang mga gamit nila.
Pero isang istudyante ang pumukaw ng atensyon ko. Nakatingin ito sa akin habang nakangiti. She looks creepy but she looks familliar to me, parang nakita ko na siya. Hindi ko lang alam kung saan pero sigurado akong hindi dito sa eskwelahang ito ko siya nakita.
Hindi kaya sa bahay ni Kristtel? kilala ko lahat ng family member ni Kris pero walang ganyang mukha sa kanila. Eh si Izzy? Inalala ko rin yung buong family nila pero wala pa rin. At last, kay Clouie. Tinandaan ko lahat ng mga mukha ng family niya. Mama, papa, kuya, pinsan, teka... pinsan!
Tinignan ko ulit yung pwesto kung saan ko siya nakita pero wala na siya doon kaya nagtakha ako. Inisip ko nalang na baka naman umalis na siya. Tumayo ako at pumuntang kusina upang kumuha ng tubig pero iniisip pa rin kung sino yung babae na iyon.
Sino nga ba kasi yon?
Pagkatapos kong ilagay sa lababo yung basong ginamit ko, ginugulo parin ng babae ang isip ko. Teka... Naalala ko na! Pinsan siya ni Clouie! Pero nakalimutan ko na ang pangalan niya. Ang alam ko lang R start nun eh. Rhema? Rona? Rose? Regi---teka... ROSE! oo, si Rose!
Mabilis akong bumalik sa pwesto ko kanina upang tignan siya pero laking gulat ko ng makita may nakaupo na sa dating pwesto ko habang nakatanaw sa labas.
Babae siya, alam ko. Dahil sa haba at ganda ng buhok niya.
"S-sino ka? How did you get in here?" I asked but still hindi pa rin siya tumingin.
"Who are you?" pagtatanong ko ulit at this time umikot na siya para tignan ako.
Laking gulat ko at nanlaki rin ang mata ko nang makita yung babae sa baba kanina. Siya yung pinsan ni Clouie!
Bakit siya nandito?
"Who am I?" sarcastic na tanong niya. "Sino nga ba ako? You don't remember who am I?" tanong niya pero hindi ako sumagot, tinignan ko lang siya.
"I'm Rose, and I'm looking for my cousin, Clouie." nakangiti niyang saad at itinaas pa ang kamay para sa shake hands.
"Yvonne." saad ko at nakipag-kamay.
"I know. By the way, nasaan si Clouie?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
"Hindi mo alam?" tanong ko sa kanya.
"Ang alin?" inosente niyang tanong.
"Nasa clinic si Clouie dalawang araw na.
"What? Seriously?"
"Yeah."
"And no one dares to told me?!" naiinis niyang tanong at matalim akong tinignan.
"Baliw ka ba? Paano namin masasabi sayo, eh hindi ka naman namin kilala. Malay ba naming may pinsan dito si Clouie? Atsaka paano ka ba nakasunod dito?"
"What? Pero kilala ako ni Aiden, alam niya rinh pinsan ako ni Clouie." nagtatakhang tanong niya.
"Ah. baka nakalimutan na niyang ipaalam sa'yo dahil nga busy rin siya masyado, hindi na nga rin siya masyadong nakakapunta sa clinic para dalawin si Clouie, eh."
"Hayy. I understand. Buti nalang nakilala kita, ang tagal ko ring hindi na nakita si Clouie eh. Sige, I'll go na."
"Okay." saad ko at hinatid siya hanggang pinto namin.
Izzy's POV
Nakaupo ako sa sofa dito sa kwarto kung san nakahiga si Clouie habang nagbabasa ng novel book.
Ako lang ang nandito at pinagpahinga ko muna yung dalawa. Tutal mukha naman na silang pagod.
Nagtakha akong napatingin sa pinto nang may kumatok doon. Napapailing nalang ako just by thinking na either si Kristtel or Yvonne 'to. Ang kulit naman talaga nila oh, sinabing magpahinga nalang muna sila eh.
Tumayo ako at binuksan yung pinto pero lalo akong nagtakha nang hindi si Kristtel at Yvonne ang nandoon. Kundi isang babae.
And who is she?
Nakataas ang kilay ko at tinignan siya.
"Who are you and what do you need?" mataray kong tanong.
"Ah, I'm Rose. I'm Clouie's cousin." nakangiting saad niya at tinignan ako. "You must be Izzy, ang sunget eh." natatawa niyang saad kaya lalong tumulis ang kilay ko.
"What do you need?" mataray kong tanong. Not minding what she said about me being masungit.
"Of course, visiting my cousin." saad niya habang nakangiti.
"Ah, sige pasok." saad ko at agad binuksan ng malaki ang pinto. Ngumiti naman siya at agad na pumasok.
-
just few more chapters before magba-bye here! ready your hearts, guys.
BINABASA MO ANG
ADIANS ELEMENTAL ACADEMY (AEA)
General FictionHighest Ranking : #680 over 27.65k stories in Fantasy. The only question is, Are you ready to face the Pitfall? Because you are ENTERING THIS ACADEMY. WHERE THE HELL IS RELATED, WHERE YOUR LIFE COULD CHANGE or I should say MUST CHANGE. AND SCHOOL...