THIRTY-THREE
Izzy's POV
"A-ano 'to?" nakatulala kong saad habang patuloy na bumabagsak ang mga luha sa mga mata ko.
Ano 'to?
Even my own eyes couldn't believe it. Para akong niloloko ng isip at mga mata ko. Nababaliw na ba 'ko? Kulang ata ako sa tulog at kung anu-ano nang nakikita ko.
"What?" walang emosyon na saad ng taong dahilan kung bakit pakiramdam ko para akong pinagbagsakan ng langit at lupa, na tila lahat ng mga anghel sa langit nagkasundong paulanan ako ng kamalasan ngayong araw. Walang nagbago sa lagay nila, nakakandong parin sa kanya ang babae at ang mga braso nito ay nasa batok niya habang ang mga kamay naman niya ay nakahawak sa mga bewang nito na tila takot na takot malaglag ang dalaga.
Bitch!
Parehas silang nakatitig sa direksyon namin. I tried looking at Skie... but I just can't... napayuko ako habang tuloy-tuloy pa rin ang tulo ng mga walangya 'kong luha. Hindi ko kaya makipaglaban ng titigan sa kanya ngayon.
Nadudurog ako. Ramdam ko... ramdam ko pano piga-pigain ng damdamin ko ang puso ko. Damang-dama ko kung paano ito mapunit ng pinong-pino.
"Skie...." dahil sa sorang panginginig ay hindi ko na napigilan ang panghihina ng tuhod, napaupo ako habang wala paring tigil sa pag-iyak.
I was holding Yvonne's one hand while she's rubbing my back, comforting me.
Naiinis ako.
Naiinis ako sa fact na kahit ganito ang pinadama niya, iniisip ko parin kung saan siya nanggagaling. Kung ano ba reason niya bakit niya ko ginanito?
May tamang rason naman 'di ba?
Kasi hindi ko maintindihan, eh. Hindi ko alam bakit?
Okay naman kasi kami, ah. Humiwalay lang ako sandali kanina dahil may nakalimutan, nagulat nalang ako na bigla siyang nawala sa kung saan ko man siya iniwan. Hinanap ko siya, kung hindi pa ako magtatanong sa ibang istudyante, hindi ko malalaman na nakita nilang dumiretso dito si Skie. Tapos... ito pa pala ang maabutan ko?
FLASHBACK
HHWW ang peg namin ni Driex. Tahimik lang kami at nagngingitian sa tuwing magkakabanggaan ang mga balikat habang naglalakad. Wala tao, kaming dalawa lang na nandito sa hallway kaya hindi rin ako nahihiya kung para kaming ewan at nagpi-PDA dito.
Habang naglalakad ay naalala ko ang ireregalo ko sa kaniya. Shit, Nakalimutan ko yung gift ko!
It's our 1st Monthsary today.
Hindi ba kayo makapaniwala? P'wes, lalo ako! Malay ko bang magkaka-boyfriend ako?
And yes... mahigit isang buwan na rin kami dito sa eskwelahang ito.
Napahinto ako sa paglalakad at bumitiw sa paghahawak-kamay namin. Nakita niya ang pagkataranta ko kaya hinawakan niya ako sa balikat at tinitigan sa mata.
Kabado ako at natataranta na kaya kahit anong kalmado ng mga tingin niya sa akin ay balewala 'yon dahil mas mataas ang emosyong nadarama ko ngayon.
"Uhm, Driex. May nakalimutan ako, kailangan ko 'yun kunin dahil importante, eh. Mabilis lang ako. Hintayin mo ko ha?" saad ko at patakbo na umalis nang hindi hinihintay ang sasabihin niya.
Dahil sa pagmamadali ay wala ang atensyon ko sa paligid kundi sa misyon na bilisan ang kilos at kuhanin ang regalo ko para sa kanya kaya ganon nalang ang gulat ko nang may biglang humarang na lalaki sa dinaraanan ko kaya napasubsob ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
ADIANS ELEMENTAL ACADEMY (AEA)
General FictionHighest Ranking : #680 over 27.65k stories in Fantasy. The only question is, Are you ready to face the Pitfall? Because you are ENTERING THIS ACADEMY. WHERE THE HELL IS RELATED, WHERE YOUR LIFE COULD CHANGE or I should say MUST CHANGE. AND SCHOOL...