FORTY-THREE
...
Four Days After
Yvonne's POV
May ngiti sa labi ko nang ibaba ko ang cellphone matapos ang pakikipag-usap kay Izzy, ibalita niyang nagkamalay na si Clouie.
Hay, salamat naman.
Minadali ko ang pagkilos para makapunta na sa Clinic at mabisita si Clouie. Aww, how I miss that gurrl!
Matapos ang lahat ng gawain ay lalabas na sana ako nang umikot ang paningin ko. Medyo nawalan din ako ng balanse pero buti nalang napahawak ako sa sandalan ng sofa. Napaupo na ako nang mas lalo pang umikot ang paningin ko. Mariin akong pumikit bago idinilat muli ang mga mata.
Bumilis rin ang pagtibok ng puso ko at nanlalamig ang katawan na para bang may malamig na hangin ang dumadaloy sa mga braso ko pababa sa mga palad. Napatingin ako sa palad ko at gano'n nalang ang mas panlalaki ng iyon nang makitang tila medyo namumula na parang nasunog...
H'wag mo sabihing......
"Argh!" napahawak ako sa sofa nang mas mariin dahil mas lalong lumakas ang hangin. May namuong ideya sa utak ko at dahil doon naghahalo-halo ang emosyon ko. Excited, masaya, natatakot at kinakabahan.
Dahil sa pumasok sa isipan ko, kumuha ako ng papel at inilagay sa maliit na table. Nag-relaxed sandali at nagbuntong-hininga. Sabi ni Kristtel, relax lang pag kaganito, kapag nangyayari 'to. Itinapat ko ang palad ko ilang inches ang layo mula sa papel.
Pumikit ako at dahan-dahang binuksan ang tiklop kong mga palad at ilang segundo may naramdaman akong kakaiba. Lalong luminaw ang paningin ko, at parang may gustong kumawala sa katawan ko. Agad-agad akong dumiretso sa tapat ng salamin at ganon nalang ang paglaglag ng panga ko sa gulat nang makitang kulay green ang mata ko.
Ganito rin ang nangyari kay Kristtel nung nagpakita siya sa amin ng kapangyarihan niya. Her eyes turned to blue. Ibig bang sabihin nito may kapangyarihan na ako? At may kakayagan na ako agad na kontrolin ito?
Napangiti ako ng malawak sa naisip. Oh God! Yes! Thank you!
Masaya akong lumabas ng dorm bago dumiretso sa Clinic para mabisita si Clouie at maibalita na rin sa kanila ang natuklasan ko.
Clouie's POV
DILIM at TAHIMIK...
NAKAKATAKOT...
Yan ang mailalarawan sa nakikita't nararamdaman ko ngayon nang makitang kung nasaan ako nagising.
"N-nasaan ako? Sinong nandiyan?" kinakabahang tanong ko. Hindi ko na gusto ang bilis ng tibok ng puso ko sa nangyayari ngayon.
"Sino ka?" naiiyak na tanong ko nang may marinig na kung ano sa kung saan.
" ......delikado ......" boses ng matanda na halata ang pagiging paos ang nagsasalita at halos buhusan ako ng malamig dahil lalo iyong dumagdag sa kaba at takot na nararamdaman ko.
".....Para sayong kalagayan at kaligtasan..... lumayo ka sa kaibigan mo.......may i-isa—" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng tinakpan ko ang bibig ko bago pumikit kasabay ng pagluha.
"Tama na! Who are you?!" humahagulgol na tanong ko.
"This is for your own sake. Please lumayo ka sa kaibigan mo, may papatay sa'yo!" mahihinang sigaw niya at lumayo na sa akin ang boses.
"Maghanda ka!" lalo akong naguluhan nung biglang nag-iba ang emosyon ng boses niya. Ang kaninang halatang nag-alala ay napalitan ng mala-demonyong halakhak.
![](https://img.wattpad.com/cover/143296891-288-k717718.jpg)
BINABASA MO ANG
ADIANS ELEMENTAL ACADEMY (AEA)
General FictionHighest Ranking : #680 over 27.65k stories in Fantasy. The only question is, Are you ready to face the Pitfall? Clouie with her friends planned to bond with the unexpected place that someone could guess, especially they are all girls.When unexpecte...