THIRTY- NINE
Clouie's POV
After ng nangyari ay sinabi ni Aiden na may celebration na magaganap sa gymnasium. Invited ang lahat ng istudyante ng school kaya naglakad naman kaming pumunta doon.
Natawa pa nga ako sa isiping parang sure na sure siyang positive ang mangyayari sa plano niya at nakapaghanda pa ng celebration.
Well, tama naman siya. Kahit anong araw man niya gawin 'yon, pareho parin naman ang sagot ko.
Nang makarating sa Gym ay agad kaming nakapili ng pwesto, bandang dulo dahil dim ang ilaw sa part na 'to. Mayroon ding buffet table sa gitna, malapit sa pwdsto namin. Sakto, para mas mabilis lang makakuha ng pagkain.
Haha.
"GUYS, OH TO THE M TO THE G!!" hindi pa man nakakaupo ay napatigil na kami sa pagtili ni Izzy. Napatingin hindi lang kami pero miski yung iilan sa nakapaligid sa amin.
Kami naman na ang nag-sorry dahil sa estado ni Izzy ngayon ay literal na wala siyang pakielam sa paligid.
"Guys, can you believe it!? Gosh, girlfriend na nila tayo!" napailing nalang naman ako sa sinabi niya.
"Ang OA, Izzy." si Yvonne.
"What? How is this being an OA? Guys, hello? Hindi ba kayo masaya or something."
"We're happy. Super. Pero hindi na para magreact in that way." Kristtel said.
"Ke-K.J niyo!" irap nalang ni Izzy bago umupo.
Ilang segundo ay nakita na naming palapit ang apat na lalaki sa amin. Humiwalay lang kasi sila kanina dahil may inasikaso sila. Since sila nga ang nagplano nito ay sila ang nag-aasikaso.
"Hey." ngiti ni Aiden nang makaupo siya sa katabi kong upuan.
Pogi.
Nginitian ko lang rin siya bago kami naglampungan— ay este, nag-usap. Kumuha lang din siya ng ilang platong pagkain dahil medyo gutom na kami, ganon din naman ang ginawa nila Skie, Lee, at Kyte para sa mga girlfriends nila.
Nang lumalim na ang gabi ay nagbago na ang kanta sa paligid. Mukhang na-bored na ang DJ. Mula sa soft indie rock ay naging electronic dance music ito, kaya naging wild ang paligid.
May ilang istudyante na pumunta sa gitna at nagpasimuno sumayaw kaya marami din ang sumunod.
Masaya ang paligid.
"Sayaw tayo!" sigaw ni Yvonne. Mabilis naman nitong naaya si Izzy ngunit umiling lang si Kris.
"Ikaw, Clou?" tanong nito sa akin.
"Susunod ako." tumango lang siya sa sagot ko bago sila tumuloy sa gitna na ginawa na nilang dance floor.
Hinarap ko naman si Aiden. "Sayaw tayo." tumingin siya sa akin at ngumiti.
Nauna siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko para alalayan naman ako sa pagtayo. Ngunit nasa kalagitnaan palang kami ng paglalakad papunta sa dance floor nang bigla-bigla ay may babaeng sumigaw sa gate ng Gym.
Sobrang lakas ng sigaw nito na nagpatigil sa lakas ng musika sa buong gym. Naging tahimik ang paligid at nakuha ng sumigaw ang lahat ng atensyon ng istudyante.
Isang babae na full of black ang suot, mula sa buhok, bestida, at sandals. Miski ang eyeshado at lipstick nito ay purong itim. Masama rin ito kung tumingin sa mga istudyante. Napansin namin na tila may hinahanap ang kanyang mga mata at hindi nga kami nagkamali nang huminto sa amin ni Aiden ang paningin niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/143296891-288-k717718.jpg)
BINABASA MO ANG
ADIANS ELEMENTAL ACADEMY (AEA)
Ficción GeneralHighest Ranking : #680 over 27.65k stories in Fantasy. The only question is, Are you ready to face the Pitfall? Clouie with her friends planned to bond with the unexpected place that someone could guess, especially they are all girls.When unexpecte...