TENYvonne's POV
"What is the meaning of this?!" agad kaming napaiktad sa sumigaw.
"K-kris—"
"What is the meaning of this?!"
"K-kris walang meaning 'to."
"Hah! wala? eh bakit sarap na sarap ka sa paghiga doon sa braso niya?"
Anong sarap na sarap? Ako? WTAF. What the actual fudge!
Napabuntong-hininga naman ako. Ganyan palagi si Kristtel sa aming tatlo. Kapag worried, concerned or shocked siya, palagi siyang sumisigaw na naiintindihan naman namin.
"A-a-ano kasi..."
'Bakit nga ba kasi ako humiga don?'
I'm out of words!
Nakita ko yung taong nasa likod ni Kristtel kaya nanlaki naman ang mga mata ko nang makikilala ko siya.
"Ikaw yung nakabanggaan ko, diba?" gulat na tanong ko sa lalaki. Nakita ko namang nanlaki yung mga mata niya.
"Ikaw?" nakakunot ang mga noo niyang tanong sakin. Obviously, thinking who am I.
"Ikaw si A-aivin Kyte Ebron diba?" nanghihina ang mga kalamnan ko sa isinaad niya. Nakilala ko siya—actually silang lahat, dahil sa nabasa ko kanina. And based from that, he can rebuild anything that is already broken or shattered.
At dahil sa ala-alang pagkita namin na yon, nalaman kong isa siya sa mga Knight Black members.
"Well, tadhana nga naman HAHAHA." sabi niya na ikinangiti ko lang bago humarap kay Kristtel na may masamang tingin sakin.
"Wag mo iniiba ang usapan babae." natawa nalang ako at hindi siya pinansin.
"By the way, bakit nga pala kami nandito?" tanong ko sa dalawang babae.
"Teka, si Izzy naiwan mag-isa!" tatayo na sana ako upang balikan si Izzy pero hinigit ni Lee ang braso ko upang bumalik ako sa pagkakaupo kaso hindi ako sa upuan napa-upo at worst sa mga hita niya pa!
"Nasa taas si Izzy kasama si Skie kaya wag mo na siyang balikan sa library, stay beside me." tumaas ang mga balahibo ko sa sinabi niya kaya napaharap ako sa kanya habang nasa mga hita parin niya ako. Napansin kong nawala na yung dalawa kaya kinabahan na ako. Kahit gusto kong umalis, hindi ko magawa dahil kapag tatayo ako ay hihigpitan niya lalo ang hawak sakin.
"Paano mo n-nalaman?" I asked him. I didn't expect him to answer but he did anyway.
"Because we have a plan." ngumiti siya as if wala lang yung sinabi niya.
Plano? Anong plano naman yon?
Nawala ako sa huwisyo nang maramdamang mas lumapit siya sa akin para bumulong.
"Starting now, you're mine. Okay?" tumaas ang mga balahibo ko, hindi dahil sa sinabi niya pero sa kung paano niya sabihin yon. Bumalik siya sa pagkakasandal at umayos ng upo nang hindi parin ako pinapaalis sa hita niya.
"So, since you're mine," nilapit niya ang mukha niya sa akin "respond." nagulat ako nang bigla niyang iikot niya ang pwesto namin. So, bale ako yung nakasandal na sa sandalan ng sofa at siya na yung nakaibabaw sakin. "To this." dahan-dahan niyang inilapit sakin ang mukha niya at kasabay no'n ang pagpikit ng mata niya. Mula sa braso, napunta ang kamay niya sa pisngi ko.
Hindi ko mapigilang hindi siya halikan pabalik. Ang galing niya humalik and I can't control it. I love the way he kissed me. Shit, ano'ng nagyayari sakin?
BINABASA MO ANG
ADIANS ELEMENTAL ACADEMY (AEA)
General FictionHighest Ranking : #680 over 27.65k stories in Fantasy. The only question is, Are you ready to face the Pitfall? Because you are ENTERING THIS ACADEMY. WHERE THE HELL IS RELATED, WHERE YOUR LIFE COULD CHANGE or I should say MUST CHANGE. AND SCHOOL...