37

5.8K 82 3
                                    

THIRTY-SEVEN



Clouie's POV

"Totoo bang may kapatid si Skie? Yung... Shawn ba yun?" biglang tanong ni Izzy. "Na-meet ko siya last time, eh..."

"Oo, totoo. Nandoon din siya kanina, eh." sagot ko naman sa kaniya.

Habang ying dalawa naman ay nagmaktol na unfair daw, na buti pa kami ay nakita na yung mga kapatid nila. Sus!

"Shh, manahimik na nga kayo, guys. Puntahan nalang natin sila bukas sa 2nd floor pagtapos ng klase natin." saway ko para tumigil na rin sila.

Ang akala kong magpapatigil sa kanila ay mas nakadagdag pa pala sa ingay dahil mas lalo silang napaisip.

"Oh bakit?" tanong ko dahil kakaiba yung tingin nila, nanghuhusga.

"Bakit alam mo kung saang floor sila?" nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Yvonne na inismiran ko lang naman.

"Nabanggit sa akin ni Ash kanina."

Hmp, mga ma-iissue!

"Talaga lang ha?" sunod na tanong naman nito na inirapan ko lang at hindi na pinansin.

Nanahimik din sila matapos ang usaping iyon pero wala lang dalawang minuto ang katahimikan nang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan naman kaming apat dahil doon na parang inaalam namin kung sino sa amin ang may ineexpect na bisita.

Pero alam namin ang sagot ng isa't-isa na wala.

"Ako na magbukas." agad namang tumungo sa pintuan si Kristtel para buksan ito.

Nang ilang segundo ay hindi parin bumabalik si Kristtel ay sinundan ko na siya sa pintuan dala ng pag-aalala.

"Ah, si Clouie ba?" nang makalapit ay narinig ko ang tanong ni Kristtel sa kausap. Hindi ko makita dahil hindi naman ganoon ang uwang ng pinto at kalahating pang-itaas na katawan lang halos ni Kris ang nakalabas.

"Oh okay." sagot ulit nito sa kausap.

"Kris..." tinapik ko naman siya sapat para makuha ang atensyon niya at mapatingin sa akin. Nang makilala ako ay humarap siya ulit sa taong nasa ilabas.

"Ito na pala siya." saka niya binuksan ang pintuan.

Ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ang kaharap. Hindi mabasa ang expression ng babae, hindi nakangiti ngunit hindi rin galit. Walang emosyon.

"Dean?" I asked. Sa pagtawag kong 'yon ay ngumiti ang babae, doon lang ako nakahinga ng maluwag. Nang may gumalaw sa tabi niya ay napatingin din ako roon.

"Calvin?" mas gulat na tawag ko sa pangalan ng lalaki. At katulad kanina, deadma.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." saad ni Dean nang makaupo matapos kami iwanan ni Kristtel, pinapasok ko sila dito sa sala. Wala na rin sila Yvonne at Izzy sa kusina upang bigyan kami ng privacy.

"Balak ka namin isama." patuloy nito. Tulad ng unang pagtagpo namin ay masungit parin ito. Tsk. Ms. Sungit.

"Saan po?" sa kabila ng lakas ng tibok ng dibdib ko ay kaswal na tono ko lang naman na nasabi ang tanong ko.

Halata kung gaano ka-hesitant ang dalaga. Tila hindi alam kung ano ang sagot sa tanong ko... o kung sasagutin niya ba ito.

"Sa—" ang akmang magsasalita na ang dalaga ay saka naman ito pinutol ng nakatataas-balahibong boses ni Calvin.

"We can't tell it to you yet." nakakakilabot ang hatid ng sobrang lamig na boses niya. Wala ni kahit anong emosyon.

Nangunot naman ang aking noo. "Huh? Pero paano ako sasa—wahhh! help!" nawala ako sa sarili nang walang sabi-sabi akong hinila ni Calvin. Yes, hila!

Yung paa ko!

Akala ko ay pipigilan siya ni Dean pero mas nagtakha ako nang tila kalmado lang ito at walang bakas ng kahit anong emosyon ang itsura.

"T-teka lang... yung paa ko, m-masakit na."

Laking pasasalamat ko nang pakinggan nga ako nito. Huminto ito at kinuha ko na ang pagkakataon na 'yon upang i-check ang sarili lalo na ang mga paa ko kung may buto pa.

Ang lala kasi ng paghila ni Calvin, parang onti nalang mag-aapoy na ang mga paa ko.

Hindi nga ako nagkamali dahil nakakita ako ng iilang galos dito, especially sa mga daliri. Medyo mahapdi pero may choice pa ba ako?

"Tsk." nagpantig ang tenga ko nang marinig 'yon sa bibig ni Calvin. Siya pa may ganang magganyan, ako na nga itong sinugatan niya? imbis na sorry eh! Hmp!

"Pasensya. Wala kaming choice, nagmamadali kasi kami." saad ni Dean na nasa likuran lang namin ni Calvin nakasunod habang kinakaladkad ako nitong huli.

Hays, again, may choice ba ako?

Saan ba kasi nila ako talaga dadalhin?
















-

ADIANS ELEMENTAL ACADEMY (AEA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon