THIRTY-FIVE
Izzy's POV
Kunot ang nga noong nakatitig ako sa mukha niya at ganoon din naman siya sa mukha ko, nakatitig din. Makalipas ang ilang minuto ay inirapan ko siya.
"Bakit mo ba ako sinundan dito?" bigla ko kasing naalala na ang nagdala sa akin dito ay yung lalaki kanina, kapatid niya raw, at tinawag niya ring Shawn.
"Bakit hindi kita susundan?" mas nangunot ang mga kilay ko sa walang-kwenta niyang sagot.
Life changing.
"Nasaan na yung sidechick mo?" ang tinutukoy ko ay yung babaeng kahalik— no, not that term, 'yong babaeng kasama niya kanina.
Ilang segundo niya pa akong tinignan bago siya humarap sa ibang direksyon dahilan para mawala ang pagkatitig niya sa akin. Naghintay pa ako ng ilang minuto, kinakapa kung sasagutin niya pa ba yung tanong ko. Nang makumpirmang wala na siyang plano sumagot at mas lumapit ako sa kaniya.
"Ibalik mo na ako sa dorm." I said na hindi naman niya pinansin. Napairap ako bago siya tapikin dahil para siyang ewan na nakatitig lang sa kawalan.
"Hey." unang tapik.
"Hey..." pangalawang tapik.
"Driexwell." pangatlong tapik.
At nasundan pa hanggang sa hindi ko na binilang. Huminga ako ng malalim, nanghihingi ng pasensya kay Lord.
Inirapan ko siya bago talikuran. I decided na hanapin nalang yung Shawn para sa kanya magpahatid, kung kaya ko lang ng mag-isa 'to, iwanan ko nalang sila.
Nawalan ako ng pag-asa nang maikot ko na ata ng apat na beses 'tong lugar ay wala akong ibang taong nakita kundi ang nakatulalang si Skie Driexwell parin.
Parang tanga.
"Hoy, Driexwell!" nagulat pa ako nang lingunin niya ako na parang walang nangyaring pagla-lag sa kanya kanina.
"What?" normal naman ang boses niya. Hindi masungit, hindi rin galit, normal lang.
"What your face! Napagod na ko. Ihatid mo na ko sa amin!" tumango siya bago ako hinawakan. Wala pang sampong segundo ay nasa labas na kami ng dorm.
Iiwanan ko nalang sana siya doon pero hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.
"Can we talk?" he asked seriously. Halata sa boses niya na desidido siya makipag-usap.
"About?"
"Us." tumaas naman ang kilay ko.
"Reminder lang, wala nang us." saad ko.
"Tsk. Let's just talk."
Tsk your face!
Hinayaan ko lang siya at hindi ako nagsasalita. Alam ko naman na any moment from now magsasalita na 'yan, bumebuwelo lang.
"I know that you've been hurt today, you've experience different types of traumas... and what makes it worse is I've been part to that trauma, na dapat ako yung tumulong, nagpakalma, nagtanggol, but yet inuna ko ka-immature-ran ko. Please know that I'm sincerely apologizing for what happened today."
"I'm not saying that you should forgive me right away or stop being mad at me. I just want to really apologize and win you back."
"Izzy... pinangunahan ako ng selos and immaturity but rhat doesn't mean na hindi ako ready to be accountable for my mistakes, dahil doon nasaktan kita. How can I be so proud when I know deep down that I hurt you?" as he holds my hands... as my tears stream down my eyes... I hugged him, tight.
"I understand you, really... pero hindi ko parin maiwasang magalit sa'yo. Hindi ko alam kung kailan o hanggang saan yung galit — or yung tampo ko sa'yo. Sana naiintindihan mo din ako..." humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya tinignan siya sa mga mata.
"Hindi ko kasi lubos maisip na magagawa mo 'yun sa akin. Naghahalo yung galit at tampo ko sa'yo, eh. Galit ako sayo dahil you cheated on me! Nagtatampo ako dahil monthsary pa natin! Sa lahat ng araw, bakit ngayon pa?"
Ayaw ko siyang sumbatan pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumabas na ang mga gusto ko sabihin dahil napapangunahan na ako ng emosyon ko, hinahayaan ko lang dahil mas nakakahinga ako ng mabuti, gumagaan pakiramdam ko habang sinasabi ko lahat ng sakit sa kaniya.
Ngumiti ako ng mapait bago siya tinalikuran.
"Hanggang sa muli, Skie Driexwell."
Yvonne's POV
"Sigurado ka ah?" nag-aalalang tanong ko kay Lee.
"Oo naman."
Tumango nalang ako sa sinabi niya. Nagtatanong kasi ako sa nangyari kanina kila Izzy at Skie. Nag-aalala ako ng sobra kay Izzy, at galit na galit ako kay Skie!!!
Ang walang 'yang 'yon!
Iniisip ko palang kung papaanong pagkakatay ang gagawin ko once nahuli kong mag-isa si Skie nang biglang may pumasok sa pintuan.
Speaking of.
Nang makita siya ay mabilis akong humarang sa daanan niya. "Si Izzy?"
"Nasa inyo na." sagot nuya bago niya ako lampasan. Nakakailang hakbang palang siya nang huminto siya ulit.
"Pasensiya nga pala sa kanina at salamat kasi nandyan kayo." saka siya umakyat.
Walang salitang tumabi ako kay Lee at nakasibangot na niyakap siya. Napabuntong-hininga naman ako.
"Lee, sigurado ka ba na yung lalaking sumundo kay Izzy kanina, kilala mo? baka mamaya kasi kung anong ginawa non, eh." tanong ko habang yakap-yakap parin siya.
Kahit sinabi na ni Skie na nakauwi na si Izzy ay nag-aalala parin ako. Lalo doon sa lalaking sumundo sa kanya, unang beses ko makita yon eh. Sinabi ko pa nga kay Lee na sundan namin ngunit umiiling lang siya.q
"Si Shawn 'yon. Okay naman yon, tropa." napangiwi ako nang silipin ko ang mukha niya ay super chill niya. Sobrang iba sa nararamdaman ko.
"Kumalma ka na, okay na ang kaibigan mo." bumuntong-hininga ako bago tumango bago hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
-
author's note: yes, korek kayo. sunod-sunod na chapter na may author's note. wala lang. medyo na-cringe ako nung binasa ko yung ibang part (which is sinulat ng 14-year-old me) tapos napaisip talaga ako na buti may nagbabasa pa nito? haha ems. thank u sa lahat ng nagbabasa pa, may kiss kayo sa akin.
guys, disclaimer po ha... still nasa process po tayo ng editing ang story. there's a big chance that you may encounter chapters na cringe and marami error, and if you did, mention niyo lang ako but rest assured na matatapos din natin ang pag-eedit.
laban langs! ♡
BINABASA MO ANG
ADIANS ELEMENTAL ACADEMY (AEA)
General FictionHighest Ranking : #680 over 27.65k stories in Fantasy. The only question is, Are you ready to face the Pitfall? Because you are ENTERING THIS ACADEMY. WHERE THE HELL IS RELATED, WHERE YOUR LIFE COULD CHANGE or I should say MUST CHANGE. AND SCHOOL...