Uy, Love ka din ng Love mo! - 5

332 63 13
                                    

While on duty ay naghihintay si Thalia na matapos mag-lunch si Leona Mae para siya na ang sunod na mag-break time.

Hindi kasi sila pwedeng magsabay dahil walang magbabantay sa counter nila at mag-aasikaso sa mga guest ng Hotel.

 While waiting ay may natanong si Thalia sa kanyang sarili.

 Is my Cute Guy in Red, my boyfriend will be eating in employee’s hotel canteen?

 Wow! Thalia, Boyfriend na nga ang tawag at hindi lang Cute Guy in Red, ano?

Kaloka! Gising, Hindi pa kayo!

Sermon niya sa sarili.

Exclusive para sa katulad niyang empleyado ng hotel ang Employee’s Canteen

at libre ang foods ‘don.

 Ano kayang ulam ngayon ‘don?

Iyon na lamang ang itinanong niya sa sarili bago pa siya maloka kakaisip kay Euwin, ay este, Sir Euwin pala.“

Pritong isda at ginataang gulay kasi ang ulam kahapon.”

Iba-iba talaga ang lutong-ulam sa Canteen nila at laging may gulay.

Pwede din naman mag-request ng ulam sa mga kitchen staff.

Inaalala din kasi ng Food and Beverage Department ang kalusugan ng mga empleyado ng Hotel.

Wow! Bulalo ang ulam, yummy!

Nasa Canteen na si Thalia at kasalukuyang nakapila

para makakuha ng libre at masustansyang ulam.

Nang matapos ay tumabi siya sa mga taga-housekeeping Department.

Mahahalata mo kung anong department nagtatrabaho ang mga empleyado ‘don

dahil magkakaiba sila ng kulay ng uniporme.

Light Gold ang sa kanila

at Creamy uniform naman ang sa mga Housekeeping staff.

Ilang sandali pa ay nagtaka siya nang sulyapan niya ang mga ito

habang humihigop ng sabaw.

Nakatulala ang ibang girls ‘don,

bakit kaya?

Ang iba naman ay pangiti-ngiti.

Hindi niya alam kung anong dahilan o mas tamang sabihing “sino” ang dahilan?

Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon