“Euwin, hindi ba’t ang bonding niyong kambal ay pagkanta.
Baka may performance kayo mamaya?”
tanong ng pinsan niyang si Christian.
Ang kambal na niyang si Euwon ang sumagot.
“Actually Bro, kanya-kanya kameng Performance nitong si Euwin.”
Tumangu-tango siya sa isinagot nito.
“He’s right!”
Euwin commented.
“O my… I can’t wait for it!”
excited na singit ng nakababata nilang pinsan na si Ayen.
Sasali pa sana siya sa walang katapusang kwentuhan nilang magpipinsan
nang may maramdamang may nakatingin sa kanya.
Paglingon niya sa may gilid ay napatda siya.
May isang mala-anghel na mukha ang mataman na pinagmamasdan siya sa may kalayuan.
“Ta-Thalia…”
usal niya.
Namamalik-mata ba siya?
para siyang nakakita ng totoong prinsesa sa isang kastilo.
Thalia was wearing the Pink dress that he sent into her house.
That means,
ang kasama nito ay si…
Kayla!
Tama, siya nga!
Ngayon lang niya nakita kung sino ang kasama nito
dahil nahagip na ni Thalia ang kanyang atensyon.
Kasalukuyan ng naglalakad ang dalawa papalapit sa lamesa nila.
Napatayo siya bigla
para lapitan si Thalia at maipakilala sa mga katabi niya.
“Oh, bro, bakit?”
nagtatakang tanong ni Euwon.
Hindi man niya tignan ang mga ito
ay siguradong nagtataka na ang lahat
BINABASA MO ANG
Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)
ChickLitTo be published under VivaPsicom kilig Republic Thalia Madayag felt something unusual when she first met a very cute guy, Euwin Castillo. What a crazy heart! In the end, will she have her first boyfriend or first heartbreak? Find out by reading this...