Off ni Thalia sa trabaho at nagmumuni-muni siya nang umagang iyon.
"Oh! It's not just wishful thinking or only me who's dreaming,
I know what these are symptoms of ... we could be in love!"
O yeah, Thalia was singing that song entitled "We could be in love"
Kung dati ay ang ate rachelle niya ang nagpapatugtog 'non tuwing umaga.
Ngayon ay inuunahan niya pa ito sa pag-play ng kantang iyon.
Sobrang gusto na niyang pinapakinggan iyon sa kadahilanan iyon ang unang song na kinanta
nila ni Euwin live on stage noong party ng sister in law nito.
napaka-espesyal ng kantang iyon para sa kanya.
But, right now ay malungkot niyang kinakanta iyon dahil sa nangyari kahapon."I ask myself why... I sleep like a baby through the night,
maybe it helps to know... you'll be there tomorrow..."
Habang abala niyang sinasabayan ang kantang iyon ay may biglang pumiring sa kanyang mga mata.
"but now im here...!" pakantang wika ng kilalang boses sa kanyang likuran.
"Euwin!" narinig niya ang pagtawa nito.
pagkatapos ay inalis na nito ang mga kamay sa kanyang mga mata.
Tuwang-tuwang humarap siya rito pero naalis din iyon nang makita kung sino ang kasama nito.
yung cute na cute na babae na kayakap niya kahapon!
"Thalia, meet my Auntie zelle, she's the twin sister of my mom!" pagpapakilala nito sa kasama.
"A-auntie?"
Oo! Auntie raw niya iyon, Thalia!
Dahil 'don ay biglang nagliwanag ang mukha niya.
Pero agad din iyon napalitan ng pagtataka nang tignan niya mula paa hanggang ulo ang sinasabi nitong Auntie."Totoo ba iyan sinasabi mo? Pa-para kasing hindi mo siya Auntie--''
"Talaga, hija?" Putol ng sinasabi nitong Auntie sa sasabihin niya.
"kung ganon, sa tingin mo, kaanu-ano ako ni Euwin?''
Babae niya po!
"Ah'eh...kaibigan?" sagot niya.
O kaya ay pi-pi...napipi na yata siya sa mukhang barbie sa harapan niya.
''o kaya po pinsan?'' ayun! Nasabi ko din!
Napahalakhak ang babae sa tinuran niya.
"Auntie talaga niya ako, hija," masayang sabi nito. "Teka, may dala nga pala akong pwedeng magpatunay 'non,''
Nagpakita ito ng litrato galing sa pitaka nito.
isa roon ay yung magkasama raw ito at ng Mama ni Euwin.
Oh, Iyon pala ang itsura ng mommy ni Euwin? Kamukhang-kamukha nga nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/20301381-288-k996571.jpg)
BINABASA MO ANG
Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)
ChickLitTo be published under VivaPsicom kilig Republic Thalia Madayag felt something unusual when she first met a very cute guy, Euwin Castillo. What a crazy heart! In the end, will she have her first boyfriend or first heartbreak? Find out by reading this...