"Pwede natin palitan itong kantang We could be in love kung gusto mo?"
tanong ni Euwin.
Kasalukuyan niyang binabasa ang lyrics na naka-print sa isang bondpaper.
Nasa isang vacant room sila ng hotel.
Iyon ang room kung saan pwedeng mag-exercize ang mga empleyado
o kaya naman ay mag-praktis kapag may okasyon.
It was also called "practice room"
"okay lang, alam ko naman ang tono nito."
Madalas naman kasi niyang naririnig iyon na pinapatugtog sa bahay.
Sa tantiya nga niya ay mabilis na rin niyang makakabisado iyon.
"That's great. Actually, alam ko na rin kantahin 'yan.
Isa kasi iyan sa naririnig kong pinapatugtog ni Ate Celine."
Mahilig raw kasing magpatugtog ng pagkalakas-lakas ang asawa ng kuya nito
at ang dahilan pala kung bakit Iyon ang kakantahin nila ay dahil sa tema ng Party.
So, right now,
Pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ay para silang mag bestfriend
kung magkwentuhan.
Nag-order pa ito ng Pizza and Pineapple Juice sa Pizza House ng hotel.
Nalaman kasi nitong paborito niya iyon.
Kaya ayan at natatakam na siya sa Merienda nila!
"Pagkatapos natin mag practice ubusin mo itong in-order ko ah."
Sabi pa nito.
"Ako pa, sigurado ubos iyan!"
"O sige, tara, umpisahan na natin."
Ang alin?
Natural ang pagkanta, Thalia! Ano bang iniisip mo?
Na-imagine ko kasi na uumpisahan na namin ang pagmamahal sa isa't-isa.
Aba'y "We could be in love" ba naman ang kakantahin eh
.
Muli ay nakaramdam na naman ng kilig si crazy Thalia.
Lalo na nung mag-umpisa ng pumailanlang ang tugtog.
Nagkatingin kasi sila. Then, siya na ang nag-umpisang kumanta.
"Be still my heart. Lately, its mind is on its own."
Nag-focus na lamang siya sa pagkanta
para hindi nito mahalata na kanina pa niya gustong mahimatay
sa kilig dahil lang kasama niya ito at silang dalawa lang sa room na iyon.
Ito naman ang kumanta.
"Even the stars, Shine a bit bright I've noticed. When you're close to me."
Napangiti siya sa boses ni Euwin.
Cute pero lalaking-lalaki ang boses nito.
Ang sarap naman pakinggan na kumakanta yung crush mo sa harap mo!
Then, they duet.
They were singing a love song like it's their theme song.
And yet, the song means like they could be in love.
BINABASA MO ANG
Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)
Literatura KobiecaTo be published under VivaPsicom kilig Republic Thalia Madayag felt something unusual when she first met a very cute guy, Euwin Castillo. What a crazy heart! In the end, will she have her first boyfriend or first heartbreak? Find out by reading this...