Uy, Love ka din ng Love mo! - 12

279 50 5
                                    

Pakiramdam na naman ni Thalia ay huminto

ang oras nang magtama ang mga mata nila ni Euwin.

Gusto nga niyang magtanong kung anong gagawin nito ‘don,

kung may imi-meet ba ito?

May kakausapin lang ba na kaibigan?

o baka may… nililigawan?

O my… Thalia, ano bang pinag-iisip mo

at Ba’t ka na naman natataranta?

Hindi kaya dahil alam niyang maraming naggagandahang dalaga sa loob?

So, what now?

Hindi siya dapat nagkakaganon!

Hindi siya dapat magselos sa hindi naman dapat pagselosan!

“Good afternoon, Sir Euwin.”

Magalang na bati niya

bago pa nito maisipang magtanong ng “what’s wrong, Thalia?”

iyon kasi ang laging natatanong nito

kapag naabutan siya nitong tulala.

Hindi nito alam na minsan,

ang presensiya lamang nito ang dahilan ng kanyang pagkatulala.

“Same to you, Thalia!”

Sagot nito.

Nanatili pa rin ang hanggang taingang ngiti nito habang nakatingin sa kanya.

Taksiyapo!

Paano siya hindi matutulala sa napaka-cute na nilalang na ito?

“You may go back to your work,

Leona was surely waiting for you.”

Sabi ni Euwin habang inginunguso ang daan papunta sa desk nila.

 Oh yeah, it’s time to go back there!

Ngingiti-ngiti niyang inihanda ang sarili para makaalis na sa kinatatayuan.

Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon