Uy, Love ka din ng Love mo! - 17

252 43 9
                                    

Thalia was right. Expected na niya na parang nasa paraiso siya

kapag pumasok sa White Lion Function Hall.

Hindi pa siya nakakapasok ay naririnig na niya ang live band

na may playlist ng lahat ng paboritong kanta ng Birthday Celebrant.

At isa na nga doon ay kakantahin nila ni Euwin.

Pagpasok niya ay bumalaga sa kanya ang mga naggagandahang suot ng mga bisita.

 Amazing!

Tulad niya,

ang mga babae ay nakasuot ng magandang gown

na parang sa isang prinsesa.

Habang ang mga lalaki naman ay naka-tuxedo.

Sa dami ng naggaguwapuhang prinsepe sa mga oras na iyon

ay isa lang ang hinahanap ng kanyang mga mata.

Iyon ay walang iba kundi..

si Euwin.

Where is her very cute Prince, right now?

Kahit na napansin niyang ang daming lalaking nakangiti

at gusto siyang lapitan ay hindi niya iyon nagawang pansinin.

Pasimple kasi siyang tumitingin-tingin sa paligid upang makita ang kanyang prinsepe.

Gusto sana niyang tawagan si Euwin sa cellphone nito

ngunit naalala niyang naiwan niya ang kanyang phone na naka-charge sa bahay nila.

At napansin niya lang iyon nang malapit na sila sa Hotel

kaya hindi na niya nabalikan pa. 

Epic fail!

Hindi bale,

ano mang kamalasan ang mangyari ngayon ay magiging ayos lang sa kanya

kapag nakita na niya ang kanyang ‘Cute Prince’.

Kunsabagay,

isang tingin at ngiti lang naman nito ay tanggal na ang stress at pagod niya.

Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon