“Magkaugali talaga kayo ng kuya Chukz mo, ‘no?”
nakangiting sabi ni Ate Rachelle.
“Anong ibig mong sabihin, ‘te?”
tanong niya
matapos sulyapan si Chelzie na nakatulog pala sa sofa.
“ginawa din kasi niya ito,”
sagot nito,
nakangiti pa rin.
Ngiting may kahulugan.
Doon lamang niya napansin na hawak nito ang cellphone niya.
Marahil ay nakita nito ang wallpaper niya.
So, ang ibig sabihin nito ay parehas sila ng kanyang kuya
na ginagawang wallpaper ang nagugustuhan nila?
“At sabi pa nga niya non ako lang ang mahal niya
at nag-iisang babaeng ginawa niyang wallpaper sa kanyang cellphone,”
kinikilig na kwento nito.
Parang ang corny pero kinilig siya doon.
Lalo na sa iba pang ka-corny-han ng kanyang kuya.
Pambihira!
May lahi pa yata sila ng mga corny.
Natawa siya bigla,
akalain mong ginawa iyon ng astigin niyang kuya!
“Well, it’s kinda cute.”
Thalia said.
“Hello!”
Nagulat siya nang iluwa ng pintuan ang kanyang kuya.
Oh, akalain mo iyon, isang iglap nandito na ang pinag-uusapan nila ni Ate Rachelle.
Kauuwi lang nito galing trabaho.
Isa itong Mechanical Engineer sa isang kilalang kompanya.
Lumapit ito sa kanila saka humalik sa pisngi ni Ate Rachelle
bago bumaling sa kanya.
“Babae, may nagpadala ng box sa’yo sa labas.”
Babae? Ang sweet talaga ng kuya Chuckz niya kahit kalian!
“Ba’t babae na naman, kuya? May pangalan ako, noh!”
BINABASA MO ANG
Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)
Chick-LitTo be published under VivaPsicom kilig Republic Thalia Madayag felt something unusual when she first met a very cute guy, Euwin Castillo. What a crazy heart! In the end, will she have her first boyfriend or first heartbreak? Find out by reading this...