Pinuntahan na lamang niya si Euwin sa Office nito
bago dumiretso sa canteen para mag-lunch.
“Sir. Euwin, pasensiya na kung hindi ko matatanggap ang invitation
at maging partner niyo doon. Pati na rin ang maging ka-duet niyo
sa isang special number.”
Lakas loob at sunud-sunod niyang sabi sa binata
nang makaupo na siya malapit sa desk nito.
Ganoon talaga siya kapag natataranta.
“kung ganon ay hindi ko muna ibabalik ang cellphone mo hangga’t hindi ka pumapayag.”
Agad siyang napamulagat sa sinabi nito.
Si Euwin pala ang nakahanap sa cellphone niya!
Naku, mate tana ken... (Patay tayo diyan...)
Hiniling pa man din niya na sana makita na ng kahit sino sa hotel na iyon
ang cellphone niya pwera lang sa lalaking nasa harapan niya.
At humingi pa talaga ito ng kondisyon bago ibalik sa kanya iyon.
“Thalia, bakit ganyan ang itsura mo? sobra ka naman yatang nagulat?”
Nagtatakang tanong ni Euwin.
Nandiyan kasi ang picture mo sa cellphone ko! huhuhu!
Paano kapag nakita mo iyan?
He eyed her cellphone suspiciously.
“Teka, may itinatago ka ba dito sa lowbat mong cellphone na ayaw mong makita ko?”
tanong pa nito na tila nabasa ang kanyang isipan.
“Tell me, may Rated SPG ka ba rito?”
pasimpleng dagdag pa nito na parang natatawa.
Mabuti nalang ganon ang tanong nito.
medyo nawala ang kaba ni Thalia.
Akala niya kasi ay magtatanong ang binata
kung bakit ang wallpaper niya sa kanyang cellphone ay mismong litrato nito.
Pasalamat pala siya’t lowbat ang kanyang cellphone
dahil kundi ay baka matunaw na lang siya na parang ice cream doon.
Kaya ayun!
Nakahinga siya ng maluwag.
“Ofcourse not Sir, Hindi ko po ugaling manood ng Rated SPG
lalo na ang maglagay non sa Cellphone ko!”
BINABASA MO ANG
Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)
ChickLitTo be published under VivaPsicom kilig Republic Thalia Madayag felt something unusual when she first met a very cute guy, Euwin Castillo. What a crazy heart! In the end, will she have her first boyfriend or first heartbreak? Find out by reading this...