Halos maestatwa si Thalia ng mga sandaling iyon.
Kalalabas lang nila ni Leona Mae
sa labas ng Hotel nang makita niya si Euwin
na may kayakap na super cute na babae.
Oh no!
may sumisingit na another karibal
sa pagitan ng panliligaw ni Euwin sa kanya?
Napatingin siya sa likuran nila ni Leona mae.
Mabuti na lang
at walang empleyado doon na kasunod nila,
kundi ay baka magkaroon pa ng hindi kanais-nais na tsismis.
Napailing-iling siya sa naisip
bago napatingin muli kila Euwin.
Who's that very cute girl
infront of her very cute suitor?
Lalong nanghina ang mga tuhod niya
nang marinig ang sinabi ng babae kay Euwin,
"Baby, let's go!"
Baby talaga ah?!
Ilang sandali pa ay gusto sana niyang komprontahin si Euwin
kung sino ang babaeng iyon
kaya lang ay nakaalis na ito gamit ang mismong kotse ng bababe.
Saan nito dadalhin ang lalaking pinakamamahal niya?
Kung pwede niya lang isigaw ang salitang
"Ibalik mo siya!
maliligaw pa iyan sa akin eh!'
kaya lang ay naisip din niya
na hindi magandang gawin iyon sa lugar na iyon.
Pakiramdam kasi niya ay
siya ang may baby na
ki-ni-kidnapped sa mga oras na iyon.
Oh yeah,
may bahagi ng utak niya na nagsasabing
'he's my baby, not yours!'
Malungkot niyang pinagmasdan
ang papalayong kotse sa kanila.
Uy, Mr. Euwin Castillo,
Akala ko ba sabay tayong uuwi ngayon?
Sermon ng kanyang isip kay Euwin.
Go back!
Aniya pa.
o kaya ay ba't hindi na lang siya
sinama ng mga ito para masaya?
Hindi kaya parang naghahanap siya ng giyera 'non?
"Parang nangangamoy giyera?
Gusto mong magbulalo, friend?'
Narinig niyang sabi ni Leona Mae na ikinagulat niya.
Oh, giyera again!
Tila ibig ipahiwatig nito
ang isang commercial sa Telebisyon
kung saan may mga nakatambay na
nakakita ng pag-aaway ng mag-sweetheart.
Mukhang naaamoy nito na baka mag-away sila ni Euwin
dahil sa babaeng iyon.
At nagyaya pa talaga itong magbulalo.
but yes,
i know that was just a joke.
"O sige, tara!''
pagsasakay na lamang niya.
"Sure ka, tara?''
"Oo, tara..."
sagot niya.
"tara, umuwi na tayo, friend!''
pagpapatuloy niya.
Nakita niyang namangha si Leona Mae sa kanyang sagot.
Pero pumayag na din itong
magsabay silang umuwi. Pagkatapos,
Tumahimik lang siya
hanggang sa makasakay na sila ng jeep
pero nagsalita din ng may itinanong si Leona Mae.
"Alam mo,
malay mo kapatid niya iyon?
"wala siyang kapatid na babae.''
"ganon!
baka super close na pinsan?
o kaya best friend lang niya iyon, friend!''
Sana nga...
--------+--------+-------
![](https://img.wattpad.com/cover/20301381-288-k996571.jpg)
BINABASA MO ANG
Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)
ChickLitTo be published under VivaPsicom kilig Republic Thalia Madayag felt something unusual when she first met a very cute guy, Euwin Castillo. What a crazy heart! In the end, will she have her first boyfriend or first heartbreak? Find out by reading this...