“Oy, Thalia, anong meron at napapangiti ka ng walang dahilan?
eh wala pa naman guest!”
Narinig niyang tanong ni Leona Mae.
Napansin niyang kanina pa siya nito pinagmamasdan.
“iniisip mo crush mo, noh?”
dagdag pang tanong nito.
Natawa lamang siya.
Alam kaya nito kung sino ang crush niya?
Tinigil niya ang pagpupunas sa Counter nila
at humarap dito ng hindi man lang nabago
ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
“gusto ko lang naman panatilihin ang kacute-han ko kapag nakangiti.”
Malambing at pakurap-kurap niyang biro kay Mae.
“Ay, naku, Miss Thalia Madayag, huwag mo nga akong pinagbibiro!
Bakit kasi hindi mo pa aminin?”
pangungulit nito.
“Ay, naku, Miss Ayen Galang, mag facebook ka na nga lang diyan!
Samantalahin muna dahil wala pang guest o caller.”
Napansin niya kasing kanina pa nito kinakalikot ang cellphone nito
at siguradong nagi-internet ito dahil may Wifi ang Hotel.
Natawa ito sa kanya.
“Thalia, halata namang si Euwin ang nagpapangiti sa’yo eh.”
Nanghuhuling saad nito.
“Hala! Ganon na ba ka-obvious ang pagkahumaling ko sa kanya?”
nagtatakang tanong niya sa pinagsasabi nito.
Bigla tuloy pumasok sa isipan niya si Mr. Euwin Castillo,
her cute guy in red.
While thinking of him ay nashocked pa siya
nang hawakan siya ni Leona Mae sa magkabilang balikat niya.
“Thalia, huwag mo masyadong pangarapin si Sir. Euwin
dahil bukod sa Manager natin siya ay may girlfriend na yung tao, ‘di ba!”
Seryosong payo nito matapos malamang tama ang hula nito.
Oo nga noh? May girlfriend na ito. yata?
![](https://img.wattpad.com/cover/20301381-288-k996571.jpg)
BINABASA MO ANG
Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)
ChickLitTo be published under VivaPsicom kilig Republic Thalia Madayag felt something unusual when she first met a very cute guy, Euwin Castillo. What a crazy heart! In the end, will she have her first boyfriend or first heartbreak? Find out by reading this...