Uy, Love ka din ng Love mo! - 31

136 19 1
                                    

 “Oh, ano naman yung

‘very very’ important news mo?”

Thalia asked.

Narinig niyang

nagbuntung-hininga muna ito bago sumagot.

“Hindi naman pala talaga girlfriend ni Euwin si Mary Jane, Cf!

Mag bestfriend lang pala ang dalawang iyon

at yung tawagan pala nilang Boyfriend-Girlfriend sa isa’t-isa

ay sadyang tawagan lang!

Pinagseselos kasi nila si Sir Jeriho, kababata iyon ni Mary Jane

at ni Euwin at ‘yun din ang may-ari ng Red Rose Restaurant.”

pagbibigay-alam sa kanya ni Erlyn.

Oh my… What she said again?

“Ta-Talaga?

Sigurado ka ba diyan?”

kung ganon,

wala naman palang pagtataksil na nagaganap?

“Oo! Usap-usapan na nga iyon dito eh.

‘Pano si Mary Jane at si Sir Jericho ay officially on na!

Napamulagat siya sa narinig.

“Ano…?!’

bulalas niya.

Mabuti na lang at

hindi siya natapilok habang naglalakad.

Yung jericho marahil

ang kaholding-hands ni Mary Jane kanina!

“Tama ang narinig mo, Cf!

That means, hindi na NBSB si Mary Jane

dahil first boyfriend niya yung lalaki.

Kaya ikaw,

may pag-asa ka ng maging first boyfriend si Euwin!”

wika pa nito.

Hindi man niya nakikita si Erlyn ng mga sandaling iyon,

siguradong kinikilig ito.

Pero hindi matuwa-tuwa si Thalia

dahil sa kaalamang may kahalikan si Euwin kahapon.

Kung hindi nito girlfriend si Mary Jane,

don’t tell me kay

Leslie a.k.a snow white ito may karelasyon?!

“Ma-malabo sigurong mangyari iyan, Cf!

Wala naman gusto sa akin si Euwin

kaya paano ko siya magiging first boyfriend?”

Naalala niya din bigla

ang eksenang may kahalikan

si Euwin sa office nito kaya nasabi niya iyon.

“Na-nakita ko kasi siyang

may kahalikan sa office niya noong isang araw eh!”

“Ano…?!”

this time ay ito naman ang nagulat.

“Ba-baka nagkakamali ka lang, Cf?”

nagkakamali?

Ay, oo nga pala!

“Hindi ko nga pala sila nakitang naghahalikan, Cf!

Kundi maghahalikan pa lang.

Kaya lang, hindi ko na tinignan pa ang sumunod na nangyari!

hindi ko kasi hilig tumingin ng kissing scene.”

Sadyang nakasanayan na talaga niya

ang hindi tumingin ng ganoon hanggang ngayon.

“Oh, ayun naman pala!

malay mo hindi natuloy?”

“Iyon ang ‘di ko alam, Cf.”

--------+---------+-------

Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon