Uy, Love ka din ng Love mo! - 37

139 20 1
                                    

Hindi pa siya nakakapagsalita ay

hinila na ni Euwin ang kamay niya.

Inalalayan siya nitong umupo sa lamesang

tila nakareserved na para sa kanila.

Noon lang niya napansin ang pagkain na nasa harap niya.

it was really her

favorite Pizza and Pineapple Juice.

Nakakagutom naman!

"Thalia,

pwede ba tayong magsabay umuwi?

"o, sige!"

aba, hindi ako tatangging

makasama ka sa pag-uwi, 'no!

 ----------+---------+-------

Kasalukuyang hinihintay ni Euwin si Thalia

sa labas ng hotel nang matanaw niya

ang papalapit na kotse sa harap niya.

Sa itsura pa lang ng kotse ay mukhang

kikay na kikay ang may ari 'non.

Hindi niya din alam kung kanino ang kotseng

iyon na biglang huminto sa harap niya.

Napamulagat siya nang may bumaba roon

na napaka-sexy at cute na babae.

Lalo pa siyang nagtaka ng tumingin

ang babaeng nakasalamin na iyon sa kanya.

Pero unti-unti ay parang nakikilala na niya

yung babae na kasalukuyan ng lumalapit sa kanya

at nakangiti ng pagkatamis-tamis.

"Euwin, my baby!''

Pagkarinig niya sa sinabi nito ay

saka lang niya na confirm na ito nga

ang kambal ng kanyang Mommy.

Magkaboses kasi ang dalawa.

"Auntie Zelle?''

"Yes I'am!"

tuwang-tuwang sagot nito

bago siya niyakap ng pagkahigpit-higpit.

Pakiramdam niya ay niyakap siya

ng kanyang inang sabik na sabik na makita siya.

Idagdag pang kamukha-kamukha ito ng kanyang Mommy.

"I miss you...''

"I miss you too!''

Medyo nagulat siya sa sinabing

'I miss you too' ng kanyang Auntie,

Naisaboses pala niya ang naiisip

na miss niya ang kanyang mommy

na matagal ng kinuha ng langit.

Pero, hindi na niya kailangan bawiin

ang nasabi dahil na-miss din naman niya ang kanyang Auntie.

Matagal na itong naninirahan sa korea

kasama ang koreano nitong asawa na si Uncle Reynaldo.

"Hulaan ko Auntie

hindi na naman kayo nagpasundo sa airport at...''

nag-isip muna siya

bago magpatuloy.

"pagdating niyo sa bahay,

wala kayong nadatnan na cute 'don!''

pabirong dagdag niya.

tumangu-tango naman ito

na tila sumasang-ayon na

wala nga itong nakitang cute na pamangkin sa bahay.

"Kilala mo naman ang auntie mo, baby!"

kapagkuwan ay wika ng kanyang Auntie.

Tama.

Isa ito sa mga taong biglaan kung umuwi

dahil depende iyon sa mood nito kaya hindi na ito

nagsasabi kung uuwi ba ito sa pilipinas,

Basta,

bigla na lang nila itong madadatnan sa bahay.

"Lalo po kayong gumanda, Auntie!

You look very young."

Totoo iyon!

Actually ay para ngang kasing-age na lang niya ito.

Hindi mahahalatang nasa 40's na ito.

"Baby, let's go!"

Kahit na binatang- binata na siya

ay 'baby' pa rin

ang tawag nito sa kanya.

Sumakay na siya sa kotse nito.

Kapag kasi tumutol pa siya ay siguradong magtatampo ito.

Ite-text na lang niya si Thalia

na bukas na lang sila magsasabay umuwi.

---------+------+-------

Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon