Kanina kasi nang lingunin niya
ang kinaroroonan ni Euwin
kasama ang mga kababaihan
ay nakita niyang masaya itong nakikipagkwentuhan.
Naisip niya tuloy kumain na lang
ng maalis-alis sa mukha niya ang pagsimangot.
Pagpunta niya sa buffet table
ay may mga lumapit na kalalakihan sa kanya.
Pinupuri ang pagkanta niya kanina
saka nahihiyang magpakilala.
Nagpapasalamat na lamang siya
at nginingitian lang ang mga ito.
Abala kasi siya sa pagpili ng mga ulam
na ilalagay sa platong hawak niya.
Sobrang dami kasi ng pagpipilian.
Pakiramdam niya ay tataba siya sa gabing iyon.
Mabuti na lang ay naka-gown siya.
gustong-gusto pa naman niyang
tikman lahat ng foods doon.
Kaya
ayun,
sadyang sa pagkain nakatuon
ang isip niya at hindi sa mga kalalakihang
sumabay sa kanya.
Speaking of them,
bakit kaya biglang umalis ang mga ito
nang hindi man lang pinuno ang hawak na plato?
May emergency?
Hindi kaya...
dahil kay Euwin?
“tumabi ka lang sa akin,
nagsi-alisan na ang mga boys,”
kapagkuwan ay wika niya.
“akala siguro nila,
girlfriend kita kaya lumayo sila agad nang makita ako.”
“Ah, kaya pala,”
pag sang-ayon ni Thalia.
BINABASA MO ANG
Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)
ChickLitTo be published under VivaPsicom kilig Republic Thalia Madayag felt something unusual when she first met a very cute guy, Euwin Castillo. What a crazy heart! In the end, will she have her first boyfriend or first heartbreak? Find out by reading this...