Uy, Love ka din ng Love mo! - 32

135 19 1
                                    

Ang ganda talaga ni Thalia!

Sabi ni Euwin sa sarili.

Sobrang turn-on talaga siya

sa babaeng hindi mahilig

maglagay ng kolerete sa mukha.

Kasing ganda nito ang nalaman niya kagabi sa facebook.

Nakita niya ang bagong post nito

kung saan nalaman niyang kuya pala nito

ang kayakap noong isang araw.

Wala naman pala talaga siyang dapat ikaselos.

Heto siya ngayon,

sinamahan si Jericho

kasama ang girlfriend na nitong si Mary Jane

sa condo-unit ng kapatid nito sa ama.

Nabigla pa nga siya na kapit-bahay lang

pala ng kanyang kambal ang hinahanap nitong babaeng kapatid.

Lalo pa siyang nabigla

nang makita roon si Thalia.

Mula kasi sa ibaba ng building ay

natanaw niya ito kaya nung paalis na silang tatlo

ay pinauna na niya ang dalawa.

Napa-akyat siya ng di-oras sa building na iyon

para lang makita si Thalia.

Nung naroon na siya ay naabutan

niyang tila ang lalim ng iniisip ni Thalia.

Hindi man lang nga nito

namalayang babangga na mismo sa harap niya.

Kaya naman nagkaroon siya ng

pagkakataon na pagmasdan ang mukha nito.

Natuwa siya ng mga sandaling iyon

pero nalungkot din ng maramdamang

tila iniiwasan siya nito tulad kahapon.

Hindi niya alam kung bakit

pero ngayon ay alam na niya.

Narinig niya kasi ang mga sinabi ni Thalia

sa kausap nito sa phone matapos niya itong sundan.

Now,

Euwin already knew

the reason behind Thalia’s sad eyes.

Naisip din niyang

tama pala ang ginawa niyang

plano para bukas, ang araw ng Day-off ni Thalia.

Nagrequest din siya ng off sa araw na iyon.

it will be a special night for us,

hopefully!

-----+-----+-----

Pinatugtog ni Euwin ang kantang

“Girl, be mine” by Francis Magalona

sa kanyang cellphone.

Iyon ang kakantahin niya para kay Thalia.

This will be the night.

Ngayong gabi

ay magtatapat na siya ng nararamdaman.

Kanina pa siya doon sa loob ng restaurant.

Nakaupo siya sa harap ng entrance door

kaya nakikita niya ang mga taong papasok pa lang

at paalis na customers.

Parang isang customer din siya doon

na nakatambay lang.

Kanina pa nga nag-umpisa ang live broadcast.

Bale,

itong gabi ang magiging pangalawang beses

niyang aalayan ng awit ang mga listeners ng

The Love Song Radio Show.

At sa pagkakataong iyon

ay para siyang kinakabahan.

Marahil ay dahil sa iyon ang unang beses

na kakantahan niya ng live ang isang babae

sa mismong harap niya

kung saan marami ang makakasaksi ng pagtatapat niya.

“Excuse me, Euwin!”

anang Mary Jane

pagkatapos nitong tanggalin ang headset niya sa tenga.

“Parating na si Thalia,”

excited na nakangiti ang dalaga.

“Doon ka na sa backstage

at baka makita ka pa ni Thalia dito.”

Pagkatapos ay sumunod na siya kay Mary Jane.

Lahat ng empleyado doon

ay alam ang plano niya na sopresahin si Thalia.

Pawang kinikilig ang mga ito sa gagawin niya

at sana ang mas kiligin

ay ang dalagang tinitibok ng puso niya.

---------+----------+---------

Uy, Love ka din ng Love mo! We could be in love (TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon