VIC
Ring..
Ring..
Ring..
"Eto na, eto na.. pababa na ko!"
"Good, paki-bilisan naman..Kahit kailan ka talaga, mabagal!" Bwisit na kim na to!
"Eto na nga eh!"
Nakarating na ako sa parking area, kumpleto na sila lahat. Ako na nga lang ang kulang.
Kasama rin pala sina Ate Abi at Cyd.
Si kim naman ang driver at katabi nya syempre si Mela. Ipapakilala na rin nya kase ito sa parents nya, officially.
Sina Ate Abi at Cyd naman nakaupo sa sumunod na upuan. Tapos sina kambal at carol.
Si mika, nasa likod. Nakasimangot, mukang napag tripan ito. dahil sa tabi nalang nya ang may bakanteng upuan para sa akin.
"Vic, ano tatayo ka nalang dyan??" Si ate abi.
"Kaw talaga ate, di ka parin nagbabago.. bully ka parin. haha"
"Na miss ko kayo eh, sige na upo ka na sa tabi ni yeye." tumango nalang ako bilang pagsang ayon.
At tumabi na nga ako sa babaeng akala mo pinagkaitan ng kasiyahan ng mundo kung makasimangot eh.
"Hi!" bati ko sa kanya.
At ayun, inirapan nya lang ako.
Ano problema nito? Kanina lang may pa note note pa syang iniwan, tapos ngayon magsusungit sya sa akin.
Tsk, sungit talaga eh.
"Thank you nga pala sa breakfast! Nabusog ako, sobra!" sabi ko sa kanya, sabay ngiti.
Tumango lang naman sya.
Nag start na ang mahabang byahe namin, pero itong katabi ko walang imik. Sinilip ko ang mukha nya..
Nakapikit na, mukhang tulog. Ang likot ng ulo eh, akala mo rock star kung mag head bang!! may times nga na humahampas na sa bintana ng van.
kaya naman, iniaayos ko ang balikat ko at saka ipinatong ang ulo nya dito.
Hmm, bigla naman syang yumapos sa bewang ko.
Nakikiliti tuloy ako..
Di ko nalang pinansin at pumikit nalang din ako, sa totoo lang antok na antok parin ako. Kaya naman, ang dali kong nakatulog.
*****
MIKA
May narinig akong naghahagikhikan. Pero di ko parin maimulat ang mga mata ko. ewan, sobrang antok parin ako. sino ba naman kase ang makakatulog sa ganoong sitwasyon??
Nagulat narin ako ng biglang may nag flash.
Pagdilat ko...
⊙_⊙
Nakayakap ako kay vic!!!
Agad akong umayos ng upo, at itong isa ang sarap ng tulog at mahinang naghihilik.
Pagtingin ko sa unahan, tsk. sina cienne! mga naka ngiti at may hawak na camera!!
So, kami pala ang kinuhanan ng picture! Loko talaga tong mga to!
"Aw, Ang sweet nyo naman.." si cienne, habang kinikilig.
"Baliw! burahin mu yan malilintikan ka sa akin."
BINABASA MO ANG
Hated to Love You! (Mika Reyes & Ara Galang)
Fanfiction"The more you hate, the more you love.."