MIKA
Narinig ko lahat ng sinabi ni Vic, di lang ako umiimik. Sa tono ng boses niya mukhang seryoso sya sa paghingi ng tawad sa akin.
Narinig ko ang salubong ng mga kaibigan namin. Salamat at nakabalik na kami.
Gusto ko rin mag thank you kay Vic, dahil hindi niya ako iniwan.
"Hay, salamat at nakauwi na kayo!" si Ate Abi na alalang alala.
"Anu bang nangyari sa inyo?" si Cienne
"Ahmm, dun nalang tayo sa loob mag usap. Mabigat tong dala ko."
Medyo natawa ako sa sinabi niya, kawawa naman si Vic mag iisang oras na niya akong karga karga. Sigurado masakit ang likod nito.
Andito na kami sa loob, ibinaba na niya ako sa sofa. Saka siya nag unat ng katawan.
"So? Anong nangyari? Pinapasundan lang kita Ye kay Vic, pero parehas na kayong hindi nakabalik." si kim, nagsisimula ng maging imbestigador.
"Maya nalang, gutom na ko eh" sagot ko.
"Sige pagbigyan, basta mamaya ah!" talaga tong kimmy na to.
Tinulungan naman nila ko papunta ng kusina para kumain.
Pagkatapos ay saka naman ako naligo, pupunta kase kami sa ospital para ipa check up itong paa ko.
Kasama ko sina Ate Abi at kambal papunta ng ospital.
*****
"Okey naman ang result ng xray mo. May maliit na ugat na naipit pero di gaanong kalala. Pasalamat tayo dahil maganda ang pagkaka lapat ng first aid sa paa mo, kung hindi baka namaga pa ito at aabutin ng ilang linggo bago gumaling." sabi ng doctor.
Si Vic agad ang pumasok sa isip ko ng marinig ko ang sinabi ng doctor. Thank you Vic, sorry dahil hindi ko pa kayang sabihin sayo.
Natapos na ang check up at nagbilin lang si Doc ng mga dapat kong gawin at inumin. Nasa loob na kami ng sasakyan, pauwi sa bahay nila Kim.
"Hmm Miks, matanong ko lang si Vic ba ang nag first aid sayo??" si Cienne na ngingiti ngiti.
Tumango nalang ako dahil wala akong lakas magsalita.
"Maasahan naman pala yung Victonara na yun! Akala ko puro pang aasar lang ang alam." si Camille naman.
"Pilya lang talaga yun, kayo naman. Tara na balik na tayo sa bahay, at siguradong tapos na sila magluto. Pero, daan muna tayo sa bakeshop para bumili ng cake para sa mommy ni kimmy." si ate abi.
Andito na kami sa bahay, tapos na rin silang magluto at nakahanda na sa lamesa ang mga pagkain. Past 12pm na rin, kaya naman kakain na kami ng tanghalian.
Napansin kong wala si Vic. Ayaw ko naman magtanong baka isipin naman nitong mga to.
Habang kumakain, palinga linga lang ako.
"May hinahanap ka?? Nasa kwarto siya, natutulog!" Si kimmy talaga.
"Huh?" nagmaang maangan syempre ako.
"Mabuti pa, dalhin mo ito sa kanya. Di pa yun kumakain simula nung dumating kayo galing sa gubat, diretso lang siya sa kwarto eh."
"Bakit ako?" tanong ko.
"Sige na, alangan naman ako? Dali na, alam kong hinahanap mo rin siya." si kim.
Inabot na sa akin ni kim yung tray na may lamang food, wala na ko nagawa kundi sumunod. Busy na ang lahat, dahil may mga bisita nang dumating.
Ayaw ko naman maki join sa kanila, di naman sa suplada ako.. pero wala talaga ako sa mood ngayon eh.
Pumasok na ko sa kwarto namin at nakita ko siya.
Nakadapa at tulog na tulog.
Mukang napagod talaga siya, sa itsura palang niya eh.
Pinatong ko muna yung tray sa may mesa, saka ko umupo sa gilid ng kama. Napansin kong hawak nya ang phone niya, mukang may kausap siya kanina bago makatulog.
Girlfriend niya kaya?
Inayos ko ang buhok niya na humaharang sa mukha niya.
Kung ganyan ka lang ka behave lagi, siguro di tayo lagi nag aaway.
Nagising naman sya sa ginawa ko, kaya naman nagkatitigan kami.
"Kumain ka na muna. Di ka pa daw nakain mula kanina."
Bumangon naman sya at umupo nakaharap sa akin.
Hinihimas nya ang balikat nya.
"Masakit ba? Sabi ko naman sayo maglalakad nalang ako eh."
"Hindi, medyo ngalay lang. Di ka naman ganun kabigat." sagot nya sabay ngiti.
"Oh, eto kumain ka muna."
Inabot ko na sa kanya yung tray. At nagsimula na siyang kumain. Naka upo lang ako sa gilid ng kama habang pinagmamasdan siya.
"Ikaw, kumain ka na?" tanong nya.
"Oo, tapos na. Dito muna ako ah, ayaw ko sa baba, madami ng bisita eh."
"Sige, kaw bahala." sagot nya.
"Uhm, Vic."
"Hmmm?"
"Thank you nga pala and sorry din.." ayan nasabi ko na sa kanya.
*****
VIC
"Kain ka na.. Tulala ka na naman dyan!"
"Tssss.." yan lang ang nasabi ko pagkatapos akong batuhin ni kim ng tissue.
Andito kami ngayon sa canteen para mag lunch, monday ngayon at absent si Mika. Hindi pa kase siya binigyan ng fit to work clearance ng doctor. Kailangan pa niya magpahinga para gumaling ang paa niya.
"Nami-miss mo noh?" nagsalita si Cienne.
Tinignan ko lang siya, di ko rin naman alam ang isasagot ko eh.
Nami-miss ko nga ba siya? Isang araw palang naman kami di nagkita pero feeling ko halos isang linggo na.
"Gusto mo, dalawin natin?!" si Kim habang taas baba ang kilay sabay ngumiti ng nakakaloko.
"Oo nga, baka nababagot na yung si Mikang." si Carol naman.
"Ano Vic? gusto mo sumama?" si Camille, at talagang tinignan isa isa itong mga kasama namin sabay ngiti rin ng nakakaloko.
"Hay, oo na yang si Vic. Di lang makapag salita, naputulan ata ng dila." si Cienne sabay tawanan naman itong mga kaibigan ko.
Tsk tsk, pinag ti-tripan na naman ako nitong mga 'to.
Tumango nalang ako sa kanila, ewan ko ba parang umurong talaga ang dila ko at di ako makapag salita.
*****
Andito na kami sa harap ng unit ni Mika, nagtuturuan pa kami kung sino ang pipindot ng doorbell, para kaming mga baliw.
Napapa isip ako, ano ang sasabihin ko sa kanya.
Bakit kinakabahan ako? Kaibigan ko naman si Mika kaya okey naman na dumalaw kami sa kanya. Pero iba talaga ang pakiramdam ko eh. Parang gusto ko nalang umuwi.
Si Cienne na ang nag doorbell at bumukas na nga ang pinto at may sumilip mula sa loob...
Para akong napako sa kinatatayuan ko. Kaya ba iba ang pakiramdam ko. Na parang ayaw ko tumuloy..
Di ko alam kung ano itong nararamdaman ko, parang sumisikip ang dibdib ko. Parang kinakapos ako ng hininga..
Bakit parang masakit nang makita ko siya...
"Jeron?.."
*****
Thanks for reading..
BINABASA MO ANG
Hated to Love You! (Mika Reyes & Ara Galang)
Fanfiction"The more you hate, the more you love.."