Thirty Five

6.9K 88 4
                                    

 

VIC

 

  

   

♪♪♪

"Saturday morning jumped out of bed, and put on my best suit.

Hop in my kuya's motorbike and raced like a jet, all the way to my babe..

Knocked on your door with heart in my hand, to ask you a question."

♪♪♪

Sh*t! Ang ganda lang ng gising ko. Napapakanta tuloy ako. Haha.

Excited na akong makita ang babe ko, hindi na kase ako nakadaan sa unit niya kagabi.

Sobrang late na kase ako nakauwi, ang tagal kase ng meeting namin. Pinipilit talaga nila ako na lumipat sa department nila, maganda ang offer kung tutuusin. Malaki ang sweldo at maraming benefits. Pero marami akong kailangan isakripisyo kung tatanggapin ko iyon.

Una.

Makakasama ko si Sheena sa isang opisina, buong araw, sa loob ng isang linggo. At kung may out of town meeting, trainings, seminar kasama ko parin siya. Nakakaumay naman yun.

Pangalawa.

Magiging busy ako, paano na ang social at love life ko? Mawawalan ako ng time sa babe ko, isang gabi ko nga lang siyang hindi makita mababaliw na ako eh.

Pangatlo.

Kung mag click ang tandem namin ni Sheena, baka ipadala kami sa Singapore at dun na mag stay for good. Kaya ko kaya ang long distance relationship?

Haha, in-assume ko lang na kami na ng babe ko.

Pang-apat.

Ito ang sobrang kinakatakutan ko, ang gapangin ako ni Sheena! Haha.

Buong gabi ko itong pinag isipan. Kaya hindi ko narin nagawang buksan ang phone ko para walang maka istorbo sa pag iisip ko.

Binigyan naman ako ni bossing hanggang next week para makapag isip kung tatanggapin ko ba ang offer niya o hindi.

Hindi ko kayang ako lang ang magdecide tungkol dito, kaya naman papunta ako ngayon sa babe ko para i-consult sa kanya at humingi narin ng advice.

Babalik pa nga pala ako sa office, naiwan ko kase dun ang motor ko. Paano, ang kulit rin ng boss ko eh.

 

  

Flashback..

 

   

"Vic, sabay ka na sa amin ni Sheena pauwi."

"Ay, Sir. Hindi na po, may dala po akong motor eh."

"No, sa amin ka na sasabay. Delikado ang daan, gabi na rin. Ayaw kong may mangyaring masama sa future team member ko."

Wala na akong nagawa kundi sumunod sa gusto ng boss ko.

Katabi ko si Sheena sa likod ng kotse. Sa buong biyahe namin, hindi niya binibitawan ang braso ko.

Hated to Love You! (Mika Reyes & Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon